Mark Neumann on sweet moments of Daniel and Kathryn: "If you love each other, there's nothing wrong."



Ikinatutuwa ni Mark Neumann na nakatrabaho niya si Daniel Padilla na itinuturing na isa sa pinakasikat na young actors sa henerasyong ito.

Isa si Mark sa bumubuo ng ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre kahit hindi siya permanenteng miyembro ng cast nito.

Pero, ang makatrabaho nga si Daniel pati na rin si Kathryn Bernardo ay malaking bagay na sa kanya.

Pahayag ng former TV5 actor, "I am inspired, of course.

"Talking to Daniel before, minsan sa set, I told Daniel, 'Hey, nakikita lang kita sa TV, naririnig ko lang yung name mo, 'tapos ngayon katrabaho na kita, kalinya pa kita.'

"He said, and he laughed, 'E, ikaw, nakita rin kita sa billboard mo sa EDSA dati, yung Baker King.'

"Tawanan lang kami."

Ang Baker King ay isa sa malalaking proyektong ginawa ni Mark sa TV5.

Kumusta naman si Daniel bilang katrabaho?

Aniya, "He's one down-to-earth guy na sobrang bait.

"Mapang-asar ng konti, but that's his joke-joke niya, pero napaka-down-to-earth and he's really a good guy.

"I am honored na I am part of La Luna, kahit pa-guest guest lang.

"I'm really excited to work everyday dahil sa kanila.

Nawi-witness din daw niya ang ka-sweetan nina Daniel at Kathryn sa set habang nagti-taping sila.

Kuwento ng actor-model, "I guess that's normal.

"If you love each other, there's nothing wrong.

"Nothing wrong with that, they're not doing anything too much.

"It's just...you know. That's how they feel."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa isang event sa SM Megamall bago sumapit ang Pasko.

May tips ba na ibinigay sa kanya ang La Luna Sangre lead actor tungkol sa pagpasok niya sa ABS-CBN?

Tugon ni Mark, "Well, I don't get to talk to him too much, kasi he's really busy.

"I did talk to Sir Albert [Martinez] sometimes about acting tips, parang how to do your character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He [Albert] really gives me great tips."

Sa totoo lang, naiinggit ba siya sa estado ni Daniel ngayon bilang isa sa pinakasikat na batang aktor ng ating bansa?

Isa rin kasi ito sa pangarap niya noong pumasok siya sa showbiz noon.

Saad niya, "Well, yung ano kasi na ganun, mahirap sagutin 'yan, e.

"No matter how much you try, laging meron sa kanila na wala sa iyo.

"Meron din ako na wala sila, dahil lahat tayo magkaiba.

"Lahat tayo iba ng personality, yung tingin sa buhay, iba ang paniniwala, 'di ba?

"So, I can't really answer that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN