What's Bianca King's stand on engaging bashers?

IMAGE Bianca King Facebook page

Bianca King says she doesn't normally engage her bashers, but when she does, she keeps this rule in mind: "Kung magbibigay ka [ng oras], ibigay mo na sa deserving ng energy mo, kasi mauubusan ka ng energy para sa ibang bagay na makabuluhan."


Naka-cast ang kaliwang kamay ni Bianca King nang humarap siya sa entertainment press noong nakaraang thanksgiving/farewell presscon ng seryeng Pusong Ligaw na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN nitong nakaraang Sabago ng kagabi, January 6.

Sa kuwento ng aktres, naaksidente siya bago matapos ang taon habang nagbabakasyon siya sa Japan.

Lahad niya, “I fractured my wrist while snowboarding.

“It happened December 30 while I was in Niseko, Japan.

“It’s still very painful. I can’t move my wrist, I can’t close my fist.

“Very painful. Five more weeks to heal.”

TAKING A WELL-DESERVED REST. Ito ang isa sa dahilan kung bakit sa pagtatapos ng Pusong Ligaw ay gusto mung ni Bianca na magpahinga at pagalingin ang kanyang fractured wrist.

Sabi niya, “I’m gonna take my time muna.

“Basta one step at a time muna ngayon na may patapos na show.

“Yung utak ko nandun pa sa show and next step, matutulog muna ako sa bahay saka mag-iisip.

“Rest muna. I have to take care of myself—have enough sleep, eat properly.

“I have to recuperate properly and heal.”

NOT IN A RUSH TO SETTLE DOWN. Kung maganda ang tinatakbo ng career ni Bianca, maayos at tahimik din naman ang relasyon niya sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Agad naming tinanong ang aktres kung advantage ba na hindi taga-industriya ang kanyang boyfriend, at kung napag-uusapan na ba nila ng kasintahan ang kasal.

“Very good.

“Kasal? Ako, I go with the flow, I take the days one day at a time.

“For me, basta nakatutok lang ako sa kung ano ang nangyayari today, I try not to live in the future,

“For me, basta mabait kang tao, yun ang pinaka-advantage.

“When you are in a relationship with someone, di mahalaga kung ano ang hanapbuhay niya.

“Basta ang kailangan, mabait siyang tao,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon nga kay Bianca, ang pagiging engaged at pagpapakasal ay isang bagay na kusa na lang na mangyayari at hindi dapat kontrolin at planuhin kung kailan mo gusto.

“I think as a woman, let this be an example to everyone who pressures yourself, or allow other people to pressure you as well.

“Bilang babae, wala sa kontrol namin yun, e.

“Ang lalake ang nagpo-propose, di ba?

“The best that we can do as a woman is to focus on our career and enjoy ourselves.

“When the time is right, it’s going to happen.

“You can’t plan it for yourself.

“Yun talaga yung bahala na ang universe, bahala na si Batman, bahala na si Lord.

“I just live without expectations, and be ready for whatever comes.

“Just cross the bridge when you get there. Lahat na ng cliché.

“We’ll see what happens. Basta one day at a time.

“I don’t want to live with expectations, tapos.

“So better to live without expectations kasi if you expect something tapos di nangyari, parang you set yourself up for disappointment,” makabuluhan niyang pahayag.

PUSONG LIGAW ENDING. Sa usaping career naman, masaya si Bianca na malapit nang matapos ang kauna-unahang show niya sa Kapamilya network, ang Pusong Ligaw kung saan handa na rin pala ang aktres na i-let go ang karakter na ginampanan niya dito bilang si Marga.

Pag-amin niya, “I’m excited, I’m excited for the ending of Pusong Ligaw, I’m excited to move on.

“Miss? Being with my friends, the cast and the staff.

“Ready na ako i-let go. It’s time to move on.”

DEEPER FRIENDSHIP WITH BEAUTY. Bilang magkaribal sila ni Beauty sa Pusong Ligaw, marami ring mga eksena na may mga sampalan at pisikalan.

Sa kabila nito ay siniguro naman ni Bianca na hindi sila umabot sa puntong nagkasakitan sila ni Beauty dahil pareho silang maingat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Beauty and I are very professional, we’re very caring for each other.

“Pareho kaming maingat.”

Sa pagsasama nila sa serye ay nabuo din ang pagkakaibigan sa parte nila Beauty at Bianca kung saan ay magkasama pa ngang nag out of town ang dalawa.

Paninigurado niya, “For sure magkikita pa rin kami no matter what.

“Si Beauty lagi kaming magkasama. Out of town? Yes, nung end of October pa.

“Same, ganun pa rin, we’re gonna carry on and be friends like the same way we were nung nag-uumpisa yung show.

“With or without the show, friends pa rin kami.”

DEALING WITH BASHERS. Nagpapasalamat si Bianca na naipagkatiwala sa kanya ang karakter ni Marga sa Pusong Ligaw.

Pero sa kabila ng magagandang feedback sa pag-arte ng aktres, may ilan pa ring netizens na namba-bash kay Bianca sa social media.

Ayon sa aktres, hindi naman daw siya yung tipong pumapatol sa mga ito.

“I’m very happy with this one show that I’ve done.

“I’m very happy with this one show, it was really a great challenge.

“I was able to flex my acting skills in ways na di ko nagawa before, so very fulfilling.

“Just the same, you can’t please everybody.

“Ako nga I rarely read, I rarely take notice, I rarely reply, but if it’s something na nagkataon catches my attention, every person has the right to express her opinion as well.

“Of course, if it’s very hurtful, di ko siya papansinin, but I think what you are referring to is me engaging in conversation.

“For me, if the person wants to give an opinion, and nasa state of mind ako na may oras ako na pansinin, I converse with the fan.

“For me, it’s just a simple conversation. It’s not in my character to be given so much bearing. Why make patol?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Waste of energy, the more we age, the more aware we become of the limited amount of energy we have.

“Kung magbibigay ka [ng oras], ibigay mo na sa deserving ng energy mo, kasi mauubusan ka ng energy para sa ibang bagay na makabuluhan,” payo ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN