Marian Rivera on Super Ma'am's last three weeks: "Mixed emotions."

Marian Rivera has built a solid relationship with her co-stars in Super Ma'am, which is now down to its last three weeks. She reveals that Super Ma'am was supposed to end in December 2017 but it got extended.



Magtatapos na ang comeback show ni Marian Rivera na Super Ma'am sa loob ng tatlong linggo.

Sa kabila nito, lubos pa rin ang pasasalamat ng Kapuso Primetime Queen dahil sa pagka-extend ng programa.

“Thankful na, kasi sa totoo lang ang Super Ma’am ay hanggang December, third week o second week ng December lang," pahayag ni Marian.

"Na-extend ng na-extend, na-extend ng four to five weeks?

"Hindi na masama yun. Okay na yun," dugtong niya.

Magkahalong saya at lungkot naman ang kanyang nadarama sa nalalapit na pagtatapos ng Super Ma'am.

"Siyempre ano, mixed emotions," kuwento niya.

"Masaya dahil ito yung comeback ko sa GMA tapos masaya ako sa response ng mga tao saka siyempre thankful ako kasi nabuo yung family dito sa Super Ma’am.

"Grabe yung bonding namin dito ng mga cast, e.

"Talagang magkakapatid [ang turingan]."

Nakausap rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 8 ang iba pang cast members ng show tulad nina Matthias Rhoads at Meg Imperial.

Kuwento nila, si Marian palagi ang punong abala kapag may gathering sila tulad ng nakaraang Christmas party ng show.

Maging ang nalalapit na cast party nila ay si Marian rin ang nag-aasikaso.

"E, oo. Minsan kasi naglalambing sila, siyempre 'no," ani Marian.

"Bilang malalakas sila sa akin, e, di sige ako na ang gagawa."

Lahat raw ng nasa show, lalo na ang direktor nilang si LA Madridejos ay mami-miss ni Marian.

"Grabe yung bonding, parang magkakapatid kami dito, e. Literal, ha?"

Magge-guest ba si Dingdong sa isa sa mga finale episodes ng Super Ma’am?

"Dapat, pero parang hindi na yata kakayanin kasi pinasok pa namin si Barbie [Forteza]."

Bukod kay Barbie Forteza ay may mga karakter pang papasok bago magwakas ang Super Ma’am.

"'Tapos siyempre si Kim [Domingo as Avenir] kailangan siyempre siya yung ender namin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi siyempre iyon yung twist nung ending, yung twist naming dalawa."

Bongga rin nga sana kung nag-crossover si Dingdong (as Alyas Robin Hood) sa Super Ma’am.

"Oo nga, e, actually gusto niya pero parang malabo na.

"Okay lang, marami pang pagkakataon," dagdag ni Marian.

"Basta exciting ang pagtatapos ng Super Ma’am, mixed emotions.

"Of course mami-miss ko talaga ang lahat sa set."

Humagulgol raw siya noong natapos ang show niyang Amaya sa GMA-7.

"Kasi grabe ang bonding, ang Amaya is nine months, e!

"Yun talaga yung isa sa pinaka-bonding na talagang ngumangalngal talaga ako.

"Nasa bahay na ako umiiyak pa rin ako. Feeling ko ano, parang naging family ko sila.

"Kaya ito [Super Ma’am] ang isa rin sa ngangalngalan ko! Kasi grabe din yung mga katrabaho ko dito, e, sobra.

“Mami-miss ko sila.”

Natanong naman si Marian kung totoo ba ang balita na tatakbo ang mister niyang si Dingdong Dantes sa 2019 elections.

Balik-tanong ni Marian, "Tatakbo daw siya? May tsika?

"Well kung tatakbo man ang asawa ko, e, nasa sa kanya 'yan kung tatakbo siya.

"Basta ako lahat ng gawin niya sa buong buhay niya, e, susuportahan ko siya at  palagi akong nasa likod niya."

Noon kasi ay napabalitang ayaw ni Marian na pasukin ni Dingdong sa pulitika.

"Misis," sabay turo ni Marian sa kanyang sarili, "kung ano ang gusto ng asawa.

"As long as para sa kabutihan, para sa ibang tao, at tumakbo man ang asawa ko hindi, known naman ang asawa ko sa pagtulong sa ibang tao.

"Dati pa hindi ko [pa] asawa 'yan, ganyan na 'yan.

"Saka if ever na tatakbo siya, parang wala naman akong nakikitang masama o dahilan para hindi siya tumakbo.

"Well iba ang buhay ng pulitika, iba ang showbiz pero sabi ko nga kahit ano pa 'yan, one hundred percent susuportahan namin siya ng anak namin." 




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN