How does Jason Abalos feel about being given supporting role in his first GMA teleserye?

IMAGE Noel Orsal

Jason Abalos compares his situation now in GMA-7 and what he previously experienced in ABS-CBN.


First official teleserye ng former ABS-CBN star na si Jason Abalos ang The One That Got Away sa GMA Network.

Sa upcoming Kapuso series na ito, gumaganap si Jason bilang isang single father na makaka-date ang isa sa ex-girlfriends ni Dennis Trillo na si Rhian Ramos.

Marami ang nagsabi na sana ay lead role agad ang binigay kay Jason since sa dating TV network niya ay lagi siyang bida at hindi nagsu-support.

“Wala namang problema sa akin kung bigyan nila ako ng lead or supporting role muna.

“Siyempre, bago tayong pasok sa GMA-7 at kung ano ang ibigay nila sa akin, thank you very much po.

"Saka itong role ko sa TOTGA, maganda siya, e. Hindi lang basta suporta lang ang role ko. Mai-involve ako with Rhian at magkakaroon kami ng conflict ni Dennis over her,” diin niya.

Since lumipat siya last October 2017, sunud-sunod ang mga naging guestings ni Jason sa mga shows ng GMA-7. 

“Yun ang masaya kasi lahat ng shows naikot ko.

“Sa kabila kasi [ABS-CBN], kapag may teleserye ako hindi ako madalas nakakapag-guest sa ibang shows. Dito hanggang sa game shows nagagawa kong mag-guest.

“Kaya ang saya lang kasi nakikilala ko halos lahat ng mga artista ng Kapuso network,” ngiti pa ni Jason.

Going strong pa rin ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Vickie Rushton. Kahit na may mga kontrobersya kay Jason, nanatiling matatag silang dalawa.

“Walang problema sa amin ni Vickie. We’re okay at may mga business kaming  tinayo.

“Right now, nasa Bacolod siya at nagtayo siya ng party needs and flower shop doon. Meron naman kaming salon sa Nueva Ecija.

“Magaling si Vickie sa negosyo at sa kanya ako naengganyo na mag-business habang kumikita tayo.”

Nabanggit ni Jason na may gagawing isang malaking bagay si Vickie sa taong ito. Yun pala ay ang pagsali nito sa Bb. Pilipinas 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit ano raw pa ang pasukin ni Vickie, 100 percent daw ang suporta niya rito, tulad ng pagsuporta nito sa kanya kaya naman sobrang tibay ng samahan nila.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN