Angel Locsin reacts to ex-boyfriend Luis Manzano not serving as host of Pilipinas Got Talent

IMAGE Noel Orsal

Angel Locsin on working again with ex-boyfriend Luis Manzano: "I'm fine kung hindi ko siya makatrabaho and I'm fine din naman kung kailangan ko siya makatrabaho."


Nagpasalamat ang mga hurado ng Pilipinas Got Talent Season 6 na sina Freddie M. Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda, kasama ang dalawang hosts na sina Toni Gonzaga-Soriano at Billy Crawford, sa mainit na pagtanggap ng kanilang pilot noong nakaraang January 6-7, 2018.

Siguradong marami na naman daw aabangang kakaibang talento ang mga Pinoy na ipapakita sa season na ito.

Nakapanayam ng ilang members ng press si Angel Locsin sa auditions ng Pilipinas Got Talent kahapon, January 10, 2018, sa Tanghalang Pasigueno Caruncho, Pasig City Hall Complex.

(Read: How did Pilipinas Got Talent Season 6 pilot fare in AGB ratings?)

Anong reaction mo na nag back-out si Luis Manzano as host dito sa Pilipinas Got Talent Season 6 due to personal reasons daw? Mahirap na ba para sa inyong dalawa na magkasama uli sa isang show at magkatrabaho ang bawat isa?

Angel: “Honestly, hindi kasi ako nakikialam sa decision-making, e, kaya ayaw kong magbigay ng comment tungkol diyan. Ang alam ko, mayroon siyang show na gagawin.

“Hindi naman nawawalan ng show si Luis, kasi isa siya sa pinakamagaling na hosts dito sa Pilipinas. Ako rin naman, ginagawa ko lang yung binibigay sa ‘king trabaho, yun lang ang pwede kong sabihin.”

Okay lang ba sa iyo to work again with Luis kung sakaling bigyan kayo ng pagkakataon na magkatrabaho uli?

Angel: “Nagawa ko nga noong kasagsagan ng kaguluhan namin; ngayon pa, I don’t see the reason bakit hindi ko magawa now.

“Pero I’m fine kung hindi ko siya makatrabaho and I’m fine din naman kung kailangan ko siya makatrabaho.”

Napag-usapan din ang tungkol sa rumored boyfriend ni Angel na si Neil Arce at ang pagiging open nila sa social media sa nararamdaman nila.

Angel:
“Hindi naman ako nagtatago, e. Sana lang na maintindihan niyo na nahihirapan ako na lagyan ng label, kasi kami, hindi kami naglalagay ng label, e, kaya wag niyo sana isipin na nagtatago kami or nagpapa-tweetums kami.

“Kasi kami rin, medyo hirap kami sa sitwasyon ngayon, pero ang importante sa buhay ay yung importante siya sa buhay ko. 

“At ang laking elemento para sumaya ang 2017 ko…ang laking element ni Neil para maging happy ang 2017 ko, or pa-start na maging happy ang 2017 ko, kasi ang 2016 ko ay simumpa yata ako nun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Angel Locsin na magkakaroon sila ng pelikula ni Richard Gutierrez. May pinaplano rin na bagong teleserye para kay Angel ngayong 2018.

Kaya natanong ng PEP.ph si Angel kung natutuwa ba siya, na matapos ng success ng balik-loveteam nila ni Richard Gutierrez sa La Luna Sangre, ay tuluy-tuloy na ang balik tambalan nila pati sa pelikula?

Angel: “I’m very thankful talaga, iba kasi yung pakiramdam na yung kasabayan mo sa trabaho ay nakikita mo ang laki ng in-improve, tapos tinitilian ng mga tao pa rin, at hinahangan pa rin ng mga tao, parang mapa-proud ka, ‘Kasabayan ko ‘to.’

“Si Richard kasi ay hindi lang kasi nag-mature bilang actor, pati sa buhay at real life niya nag-mature na siya.

"Ang pinag-uusapan namin sa set ay about sa family niya na, about Sarah [Lahbati], about kay Zion, yung baby nila, kung anong plano at saan mag-aaral, ganun na yung usapan namin.

“Hindi katulad ng dati na [ang pinag-uusapan namin], ‘Saan tayo pupunta? ‘Anong oras yung call time natin?’ Yung mga small things. Saka makikita mo rin yung maturity niya sa set, ang galing-galing na niyang umarte. Nakakatuwa!

"Pero andun pa rin yung isang tinginan lang namin, na hindi namin sinasadya, pero basang-basa namin yung nuances ng isa’t-isa.”

Kahapon rin, January 10, nagpaalam na si Angel sa character niyang si Jacintha sa La Luna Sangre.  



Stories We Are Tracking

Angel Locsin bids goodbye to <em>La Luna Sangre</em>
Angel Locsin bids goodbye to La Luna Sangre
How did <em>Pilipinas Got Talent</em> Season 6 fare in AGB ratings?
How did Pilipinas Got Talent Season 6 fare in AGB ratings?
Angel Locsin, Richard Gutierrez reunited for movie
Angel Locsin, Richard Gutierrez reunited for movie






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN