Ryza Cenon admits she received offer from ABS-CBN but...

IMAGE Noel Orsal

Ryza Cenon admits she wants Ika-6 Utos to end already. She hinted that the finale episode of the GMA-7 daytime series will air during the first quarter of 2018.


Natupad ang isa sa dahilan ni Ryza Cenon kung bakit pinili niyang magpa-manage sa VIVA Artist Agency: ang magkaroon ng sariling pelikula.

Nakagawa na siya ng ilang indie films, pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makagawa at makapagbida sa isang mainstream movie.

Si Ryza at si JC Santos ang mga bida ng pelikulang Mr. & Mrs. Cruz ng VIVA at Idea First na ipalalabas na sa January 24.

Ayon kay Ryza, “Sa twelve years ko po ngayon lang ako nakagawa ng pelikula. May pressure for me kasi hindi ko alam kung paano ang mga process.

“Ngayon naman, natutunan ko na unti-unti.”

Gaano kalaki ang pressure sa kanya?

“Malaki,” pag-amin ng GMA-7 actress.

“Hindi ko alam kung paano siya i-handle. Kasi, yung Manananggal [sa Unit 23-B], indie siya. Ito kasi, mainstream, lahat makakapanood. So medyo kabado po talaga.”

Aminado rin siya na may pressure rin dahil ang director nila na si Sigrid Andrea Bernardo naman ay nanggaling sa blockbuster movie na Kita Kita.

Sabi pa ni Ryza, “Ganito pala ang feeling kapag gumagawa ka ng pelikula. Kumbaga, parang sa singer, isa siyang album. Isa siyang album para sa akin.”

Kumpara sa pelikula, mas mahirap pa rin daw gawin ang mga teleserye.

Aniya, “Kasi everyday kang puyat. Halos buong araw kang nagta-trabaho. Kasi marami rin script, sunod-sunod.

“Ang movie, ten days, twelve days, tapos na siya.”

Pagdating sa telebisyon, nanatili raw siyang isang Kapuso. Patuloy pa rin siyang napapanood bilang si Georgia sa Ika-6 Na Utos.

Ang alam daw niya, hanggang March pa ang Ika-6 Na Utos.

May posibilidad ba na ma-extend pa ang top-rating daytime series na ito?

“Parang yun na yun,” saad niya.

Siya lang naman daw ang nag-assume na posibleng hanggang March na lang ang Ika-6 Na Utos.

Ayon kay Ryza, “Sa story po kasi, unti-unti na po kasing naano si Georgia.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Ryza raw ang tatanungin, okay lang sa kanya kung hanggang March na lang ang afternoon prime nila. Kahit sabihin pang ito pa rin ang nangunguna sa TV ratings.

May dahilan naman si Ryza kung bakit niya ito nasabi.

“For me, it’s time,” saad niya.

“Kasi yung viewers kasi, masyado na akong naaapektuhan sa sinasabi ng viewers. Not naman about Georgia but about the show. Kasi, parang pagod na rin silang panoorin. Parang ang pangit naman na i-end namin yung show na ganun ang mga reviews.

“Habang naka-peak pa rin siya hanggang ngayon.”

ABS-CBN OFFER. Sa isang banda, kahit hindi siya nag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center at sa halip ay lumipat siya sa pangangalaga ng VIVA Artist Agency, GMA pa rin ang priority niya pagdating sa TV network.

Sa ngayon, wala pa rin namang sinasabi ang GMA kung may follow-up project na siya pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.

“Wala pa naman po silang sinasabi sa akin but I hope, I hope... pinagpi-pray ko po na sana, meron na pong next.”

Hindi naman niya itinanggi na may natanggap siyang offer mula sa ABS-CBN nang tanungin namin ito.

“Meron po,” pag-amin niya.

“Pero siyempre, sinasabi ko nga po, priority ko ang GMA. Kung may ibibigay po ang GMA for me, sila po yung priority ko.”

Pagdating naman sa Mr. & Mrs. Cruz, naniniwala si Ryza na lahat daw ay makaka-relate kapag pinanood ang pelikula nila.

“Lahat tayo makaka-relate, hindi lang ako. Hindi lang naman ito para sa may lovelife. Puwede siya sa single, sa merong relasyon, married o mga kumplikadong relasyon. Lahat makaka-relate.”

Kung may natutunan man daw siya sa karakter niya sa pelikula, ito ay ang pagkakaroon ng “closure.”

Ani Ryza, “Closure sa mga questions mo sa sarili mo. Na kaya ka nagsu-soul-searching, nahanap mo.”

Hindi raw masasabi ni Ryza na daring siya sa pelikula kahit na may love scene rin sila ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang porsiyento ng pagkatao niya ang nakikita niyang katulad ng karakter niya?

“Ilang percent? Siguro mga thirty lang,” nakangiti niyang sagot.

“Malayo siya sa akin, masyado siyang matapang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN