Can Ayra Mariano sustain showbiz career even without loveteam partner?

IMAGE Noel Orsal

Ayra Mariano feels sad about the breakup of her love team with Elyson de Dios, although she understands his priority to finish his studies: "Yun din po, nakakapanghinayang dahil nasimulan na namin yung loveteam na AySon. May mga fans na po kami na sumusuporta sa mga mall shows na pinupuntahan namin."


Wala raw munang ka-loveteam ang StarStruck 6 First Princess na si Ayra Mariano dahil tumigil muna pansamantala sa showbiz ang ka-love team niyang si Elyson de Dios.

Si Elyson ang tinanghal na First Prince ng StarStruck 6.

Ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ayra sa press launch ng GMA primetime teleserye na The One That Got Away noong nakaraang January 4 sa Nix.05 sa Quezon City, umuwi raw sa Cebu si Elyson para ipagpatuloy nito ang kanyang pag-aaral.

Huling napanood si Elyson sa afternoon drama na D’Originals noong 2017.

Unang nagtambal sina Ayra at Elyson sa teleserye na Poor Señorita noong 2016.

“Sad nga po, kasi bumalik si Elyson sa Cebu to finish school.

“Yun kasi ang gusto ng parents niya.

“Kapag nakatapos na siya ng high school, puwede na niyang ituloy ang showbiz.

“Kaya sa mga last teleseryes na nakasama ako like Mulawin vs. Ravena at yung The G.R.I.N.D., solo flight lang po ako.

“Okey naman po kasi nabibigyan ako ng roles na hindi ko kailangan ng ka-love team.

“Thankful ako to GMA-7 kasi kahit wala akong ka-loveteam ngayon, they still have projects for me,” pagpapasalamat niya.

SUPPORTING ELYSON'S PRIORITIES. Nanghihinayang din naman si Ayra dahil nagkaroon na ng following ang love team nila ni Elyson na binansagang “AySon” sa social media.

“Yun din po, nakakapanghinayang dahil nasimulan na namin yung love team na AySon.

“May mga fans na po kami na sumusuporta sa mga mall shows na pinupuntahan namin.

“Pakiramdam ko rin po kasi na hindi rin masyado pang focus si Elyson sa team-up namin.

“May iba siyang pinagkakaabalahan pa and naiintindihan ko naman po iyon.

“Pareho pa naman kaming bata pa and darating din ang time na magiging serious na si Elyson sa team-up namin.

“It’s good na he’s concentrating sa school at parati naman po kami nagku-communicate with one another. Balitaan, kumustahan,” kuwento pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OPEN TO BEING PAIRED WITH OTHER MALE STARS. Habang wala si Elyson, open ba si Ayra na makatambal ang iba?

“I guess wala naman pong masama.

“Marami rin akong gustong makatrabaho sa GMA like sina Addy Raj, Ivan Dorschner, Ken Chan, Nikki Co, Dave Bornea, Jeric Gonzales.

“Siguro po hindi na as a loveteam; yung maka-partner ko lang po sa isang teleserye.

“Tingnan po natin kung may chemistry kami.

“Tsaka po mas gusto ko po na makilala ako as a versatile performer, yung kahit anong role kayang gawin at hindi nakakahon ang ginagawa.

“Yung kahit wala pong ka-love team, makaka-survive,” pagtapos pa ni Ayra na gumaganap bilang si Ekay sa The One That Got Away.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN