Jade Lopez is Kris Bernal's new kontrabida in Impostora

IMAGE Instagram @missjadelopez

Jade Lopez is excited to play villainess to Kris Bernal in GMA-7's Impostora: "There is a lot to watch in this character kaya hintayin niyo ang mga sikreto ni Danica at kung paano niya papaikutin ang mga bida sa series."


Bago magtapos ang top-rating GMA Afternoon Prime teleserye na Impostora ngayong Enero, idinagdag sa cast ang StarStruck alumna na si Jade Lopez bilang panibagong kontrabida sa buhay ni Nimfa (played by Kris Bernal).

Natuwa naman si Jade nang ipasok siya sa Impostora dahil maganda ang role na binigay sa kanya.

“Napaka-interesting ng role ko dito sa Impostora.

“Kahit ako, hindi ko kinakaya ang role as Danica.

“There is a lot to watch in this character kaya hintayin niyo ang mga sikreto ni Danica at kung paano niya papaikutin ang mga bida sa series,” pahayag ni Jade sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya via Facetime noong nakaraang January 10.

HAPPY FOR KRIS'S SUCCESS. Happy naman si Jade sa success ng kaibigan niyang si Kris Bernal.

Gumanap na kasi siyang barkada ni Kris sa teleseryeng All My Life noong 2009.

“Imagine after eight years, ngayon lang ulit kami nagkasama sa isang teleserye.

“Na-miss ko si Kris at sobra akong happy sa naging turnout ng career niya as an actress and now, as a businesswoman.

“Ever since naman, masipag na ang taong 'yan.

"She deserves all the success na natatanggap niya,” diin ni Jade.

PREPARING FOR WEDDING. Matagal ding napahinga si Jade sa paglabas sa teleserye.

Huli siyang lumabas sa Alyas Robin Hood noon pang 2016.

Paliwanag niya, “Medyo napahinga tayo sa TV dahil may iba tayong pinagkaabalahan.

“Pero nagkaroon naman ako ng guestings like sa Super Ma’am, Wish Ko Lang at Tadhana.

“Okey naman na maging busy ako ulit.

“Sa October kasi, ikakasal na ako.

“Kaya malaking tulong din na may iba akong ginagawa at hindi lang yung sa pag-prepare ko sa wedding.”

ENJOYING VILLAIN ROLES. Never daw naging problema kay Jade ang kontrabida roles.

Enjoy daw siya sa ganitong role na masarap paglaruan.

“Mas masarap ang manampal kesa yung ikaw ang sinasampal, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka mas bagay daw sa akin ang kontrabida.

“Mukha raw akong maldita kasi!” malakas na tawa pa ni Jade.

KONTRABIDA PEGS. Gusto raw ni Jade na sundan ang yapak ng mga iconic kontrabida actresses tulad nina Jean Garcia, Eula Valdes at Mylene Dizon.

Lahad niya, “Yun naman ang napag-usapan namin ng nagma-manage sa akin ngayon na Firestarters Productions.

“More character roles for me dahil iyon ang marami.

“Di ko naman na hinahangad na magbida pa ako.

“Gusto kong makilala as a versatile actress—yung kaya lahat ng roles.

“Huwag lang sexy dahil ikakasal na nga ako.

“Roles na mate-test ang mga nalalaman ko sa acting.

“Hindi naman nawawala ang dream ko na one day manalo ako ng acting award.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN