Mikee Quintos admits closeness to Andre Paras

IMAGE Noel Orsal

Mikee Quintos on her Sirkus co-star Andre Paras: "Hindi siya like yung usual guys sa showbiz na very straightforward sa feelings. Makikita mo kay Andre yung pagka-gentleman niya, makikita mo na ang bait niya."


Mula December 21 hanggang January 8 ay nasa Amerika si Mikee Quintos kunsaan nagbakasyon siya kasama ang kanyang pamilya.

Ano ang pagkakaiba ng Pasko sa Amerika at sa Pilipinas?

Bulalas niya, “Sobrang lamig doon!

“And honestly, pag mga ganung special occasions, mas gusto ko dito sa Pinas.”

Bukod sa bakasyon ay may inayos raw silang Indian wedding ng isang kamag-anak nila sa Amerika sa darating na Mayo.

ANDRE PARAS. Doon ay nagkita rin sila ni Andre Paras na nagkataon ding nagbakasyon doon.

Nagkataon raw na pareho silang nasa L.A. kaya nagdesisyon silang magkita.

Nakilala rin ni Mikee ang kapatid ni Andre na si Kobe Paras.

Ano ang magiging reaksyon ni Mikee kapag nanligaw sa kanya si Andre?

O nanliligaw na ba ito sa kanya?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi pa po!”

Dahil sinabi niyang hindi pa, ibig bang sabihin ay may chance?

“Patay tayo diyan!” at tumawa si Mikee.

Co-star ni Mikee si Andre sa bagong Kapuso fantasy show na Sirkus.

Tinanong namin si Mikee kung paano makitungo sa kanya si Andre.

Lahad niya, “Ever since naman po, Andre’s a very sweet guy.

“Nakita ko kung paano siya and pag nagkukuwentuhan kami kung ano ang gusto niya sa girls, ganyan.

“Nakikita ko yung pagka-inosente niya, e.

“Hindi siya like yung usual guys sa showbiz na very straightforward sa feelings.

“Makikita mo kay Andre yung pagka-gentleman niya, makikita mo na ang bait niya.”

Paano nga kung manligaw ang binata sa kanya?

“We’ll see, I guess, kung anong mangyayari.

“Ayoko pong pangunahan if ever.”

DIET REGIMEN. Kahit slim si Mikee ngayon, inamin niyang dati ay nagkaroon siya ng problema sa kanyang timbang.

Inamin niyang marami na rin siyang na-try na iba-ibang klaseng diets, pero hanggang ngayon daw ay pinag-aaralan pa rin niya kung anong diet ang mas epektibo para sa kanyang lifestyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nauuso ngayon ang keto diet, sinubukan din ito ni Mikee.

Kuwento niya, ang kaibigan niyang si Ruru Madrid ang nagrekomenda sa kanya nito.

Sabi niya, “I’m trying different diets. May nirekomenda si Ruru na ginagawa niya, yung keto. I tried it.”

Bukod sa tulong ni Ruru ay inspiration din ni Mikee ang Hollywood actor na si Jonah Hill, na isa rin sa mga masugid na advocates ng keto diet.

Ani Mikee, “Sobrang pumayat siya! Nag-keto siya, iyon yung diet niya.”

Dalawang buwan bago siya umalis patungong Amerika noong December, nagsimula na raw si Mikee sa kanyang keto diet.

Pagklaro niya, “Pero a week before I left, I stopped po, para hindi ako mabigla since alam kong hindi ko masusunod yung keto dun sa States.

“So ngayong kakabalik ko lang po, I wanna try the cleansing [diet] ngayon.”

Hindi naman daw niya naranasan na mapadalhan ng “fat memo” mula sa GMA management.

“May mga verbal na panakot,” at tumawa si Mikee. “Na, 'Sige ka, bibigyan ka,' mga ganun.”

Naging determinado si Mikee sa kanyang diet dahil naghanda rin siya para sa Sirkus.

Bukod kina Mikee at Andre, bida rin dito si Mikoy Morales (as Miko).

Eere na ito sa January 21 sa GMA.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikee sa presscon ng Sirkus noong January 9 sa GMA-7 Employees' Multi-Purpose Cooperative sa Timog Avenue, Quezon City.

Bukod kina Mikee, Mikoy at Andre ay nasa Sirkus din sina Klea Pineda (as Sefira) Chariz Solomon (Astra), Sef Cadayona (Al), Divine Tetay (Luca), Gerard Arca (Facundo), at si Ms. Cherie Gil (La Ora).

Ito ay sa direksyon ni Zig Dulay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN