Robin Padilla quips, "Hirap na hirap ako sa buhay ko sa ABS-CBN!"

IMAGE Noel Orsal

ABS-CBN's Sana Dalawa Ang Puso stars (L-R) Robin Padilla, Jodi Sta. Maria, and Richard Yap. Robin quips, "Hirap na hirap ako sa buhay ko sa ABS-CBN!"



After almost four years, may reunion project sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na unang nagtambal para sa ABS-CBN daytime soap na Be Careful With My Heart.

Nagbabalik ang JoChard love team sa parehong timeslot para sa kanilang daytime teleserye titled Sana Dalawa Ang Puso. Makakasama nina Jodi at Richard si Robin Padilla.

Ang Sana Dalawa ang Puso ay kwento nina Lisa at Mona, dalawang babaeng magkamukha at parehas na tinatakasan ang mga problema sa kani-kanilang buhay.

Kilalang masipag at matapang na boss si Lisa Laureano sa family business nila na Laureno Group of Companies. Magbabago ang ikot ng mundo niya dahil ipagkakasundo ng kanyang amang si Juancho Laureano (Christopher de Leon) para ikasal sa anak ng kalaban nilang kumpanya si Martin Co (Richard Yap). Para tumakas sa kanyang kapalaran ay makikitira si Lisa sa trabahador nilang si Leo Tabayoyong (Robin Padilla).

Sa kabilang banda, ang kamukha niyang si Mona na tagakolekta ng taya at taga-alaga ng manok sa sabungan ay problemado naman na iahon ang amang nadawit sa isang networking scam.

Sa press conference ng teleserye, nakapanayam ng members of the press si Jodi at Robin.

Totoo bang isa ka Jodi sa mga nakiusap kay Robin para makasama sa iyong bagong teleserye?

Jodi: “Siyempre kasi hindi ba, talagang nakikita namin na nag fit talaga kay Robin yung character niya rito. Parang kung minsan nag-iisip kami, kung iba ang gagawa parang hindi magwo-work, e. Kumbaga parang tailor-made, talagang swak siya sa kanya yun karakter niya na yun.”

“At the end of the day, it still management’s decision pero kunwari tinanong ako kung okay lang ba na si ganito gaganap sa role ni Robin, ay wala talaga akong problema kung hindi siya, kahit sino. I’m all for it.”

Gaano katotoo na ikaw ang dahilan kung bakit napapayag si Robin na gumawa ng teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jodi: “Uy, hindi lang naman dahil sa akin, narinig naman natin kanina na hindi talaga nakatanggi si Robin kay Ms. Malou Santos, pero siyempre I’m very thankful na makakasama ko ang isang Robin Padilla sa isang proyekto.”

Ikinuwento ni Robin kung paano nagkaroon ng idea ang management na pagsamahin sila sa isang proyekto.

Robin: “Nagsimula yun noong show namin ni Jodi sa London, sinabi niya sa mga tagadoon na sana nga ay magkaroon kami ng isang proyekto. Para sa akin kasi, as a Muslim and as a man, kapag may sinabi ka, pangatawanan mo. Sinabi niya yun dun, ‘Sana makagawa tayo ng proyekto.’ Sabi ko ‘Oo.’ Siyempre maraming tao ang nakarinig nun.”

Robin: “Kala ko okay na yun. Noong nagsu-shooting kami ng Bad Boy 3, sinabi sa ‘kin ni Betchay [Vidanes, Robin’s manager], na pinatatawag na daw ako ni Ms. Malou Santos kasi magsu-soap na nga raw ako.

“Matagal kong pinag-isipan yun, kasi nasa Pangasinan nga kami kasi nga nagsu-shoot kami ng Bad Boy 3, sabi ko kapag lumuwas akong Manila ay malamang na hindi na matutuloy ang project ko na ito [Bad Boy 3].

“Wala akong nagawa kasi nahiya din ako kay Ma’am Malou at nahiya din ako kay Jodi. Isinantabi muna namin ang pagsu-shoot ng Bad Boy 3 at inuna ko itong teleserye kasama si Jodi.”

Robin: “Hirap na hirap ako sa buhay ko sa ABS-CBN! Oo, totoo!

“Noong nagsu-shoot kami ng Bad Boy 3 ang laki ko noon. Sabi nila magte-taping na kami nitong Sana Dalawa Ang Puso so nagpapayat ako, kasi sabi nila maliit si Jodi, kaya kailangan kong magpapayat, so, nagpapayat ako.

“Makakadalawang linggong taping na kami, bigla sinabi sa ‘kin na kailangan ko daw mag-gain ng weight kasi magsu-shooting daw kami ni Ma’am Sharon Cuneta ng Unexpectedly Yours.

“Pinaglalaruan nila ang katawan ko! Taba-payat-taba-payat, e, hindi naman na ako bata!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit ayaw na ni Robin gumawa ng teleserye?

Robin: “Hindi naman sa ayaw, kasi, alam naman ni Ma’am Malou na kung mag-aaction na ‘ko sa pelikula, hindi ko na kaya yung style ng teleserye, lalo na yung halos araw na araw na taping. Sa totoo lang mahirap na talaga yung teleserye kasi pambata lang yun, e.”



Stories We Are Tracking

Robin Padilla:
Robin Padilla: "Bakit butt, puwede din naman akong frontal!"
Sharon Cuneta on ex-boyfriend Robin:
Sharon Cuneta on ex-boyfriend Robin: "Love ko 'to, e."
Robin Padilla talks about kissing ex-girlfriend Sharon anew
Robin Padilla talks about kissing ex-girlfriend Sharon anew
Jodi to co-star w/ Richard Yap, Robin Padilla in teleserye
Jodi to co-star w/ Richard Yap, Robin Padilla in teleserye




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN