Mikee Quintos recalls how she almost joined rival network's reality show

IMAGE Noel Orsal

Kapuso star Mikee Quintos recalls a time when she had to make a crucial decision for her showbiz career, and prayed for a sign whether she should be a Kapuso or Kapamilya: "Mahirap mag-decide noong mga panahon na iyon. Kaya nagdasal ako kay God to show me signs kung saan ba talaga ako pupunta."


Muntik na palang maging contestant ang Kapuso actress na si Mikee Quintos sa isang kilalang reality competition show ng isang TV network.

Pumasa si Mikee sa audition ng naturang reality competition show, pero pumasa rin daw siya sa naging audition niya sa GMA-7.

Noong panahong iyon ay ipinagdasal daw niya ang kanyang magiging desisyon, at humingi raw siya ng senyales kung alin ang mas makabubuti sa kanyang showbiz career.

“Mahirap mag-decide noong mga panahon na iyon.

“Kaya nagdasal ako kay God to show me signs kung saan ba talaga ako pupunta.

“Nataon po na tuwing ipapatawag ako ng kabilang network, natataon na may pasok ako sa school or may exams kami.

“Kapag ang GMA-7 naman ang nagpatawag, natataon na wala akong pasok.

“There was one time na akala ko hindi ako meant for GMA-7 kasi nag-schedule sila ng callback na may exam ako sa school.

“Tapos, biglang hindi natuloy ang exams namin.

“So yun na ang ultimate sign na hinintay ko,” kuwento ni Mikee sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng fantasy series na Sirkus noong nakaraang January 9 sa GMA Coop Building in Quezon City.

AUDITION FOR SIRKUS ROLE. Para sa bagong fantasy series ng GMA-7 na Sirkus, nag-audition daw si Mikee at ang kaibigan niyang si Kate Valdez para sa role na Mia.

“Mas malapit daw ang hitsura ko kay Mikoy [Morales] kesa kay Kate.

“Mas mukha raw kaming kambal ni Mikoy.

“No hard feelings between sa amin ni Kate dahil we both auditioned and very good friends kami talaga.

“Sinabi naman niya na she’s happy for me getting the role sa Sirkus.

“Kate naman is part of the cast ng Sherlock Jr. kunsaan nandoon din ako as the voice of Serena, yung pet dog ni Ruru Madrid,” kuwento pa niya.

VOICE TALENT. Mas madali nga raw ang trabaho ni Mikee sa Sherlock Jr. kumpara sa Sirkus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pang-aso daw kasi boses ko! Jologs daw kaya bagay kay Serena!

“Kumpara naman po sa work namin sa Sirkus, ang dali po ng trabaho ko sa Sherlock Jr.

“Sa Sirkus po kasi, ang taping namin ay sa bundok ng Rizal.

“Minsan po, naabutan kami doon ng malakas na ulan. Minsan naman po, mainit 'tapos mahangin.

“Pero worth it ang hirap namin sa Sirkus dahil ang ganda ng produkto.

“Pang-world class ang special effects ng teleserye namin,” pagmamalaki ni Mikee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN