Mikoy Morales not jealous of Protegé batchmate Ruru Madrid's showbiz accomplishments

IMAGE Noel Orsal

Kapuso star Mikoy Morales admits that he's not jealous nor insecure of Protegé batchmate Ruru Madrid's showbiz accomplishments: "Magkaiba kami ng place sa industry. Yun nga, once you find yourself, you don't get insecure or jealous with those things."


Inamin ng Sirkus lead star na si Mikoy Morales na dumating siya sa punto ng showbiz career niya na nainip siya at kinuwestyon niya ang nagiging takbo nito.

Nangyari raw ito noong noong hindi pa niya alam kung ano talaga ang totoong goal niya sa pagiging isang artista.

Pag-amin niya, “Siguro at some point, noong una.

“Kasi, iba pa ang hinahanap ko noon.

“Naghahanap ako ng ganun, naghahanap ako ng lead role.

“Iba pa ang mindset ko noon.

“Hindi ako aware na I’m aiming to be a celebrity, to be a star, na hindi naman dapat.”

Ibig ba niyang sabihin, nag-give up na siya sa ganung ideya ng pagiging isang artista?

“Hindi naman sa nag-give-up, pero mas alam ko na kung ano ang gusto ko na hindi pala yun.

“I was chasing after the wrong things.

“Para sa akin, ayokong mangarap nang ganun.

“Yun kasi ang gusto ko before, pero nag-iba yun nang ma-in love na 'ko sa trabaho ko,” paliwanag ng Kapuso star.

PROUD OF RURU'S ACCOMPLISHMENTS. Magkasabay sila ni Ruru Madrid bilang mga produkto ng Protegé ng GMA-7 noong 2012.

Kahit nagkasabay sila, aware naman ni Mikoy na malayu-layo na rin ang narating ni Ruru sa kanyang showbiz career.

Bukod sa pagganap sa mga lead roles, nanalo na rin si Ruru ng Best Actor award.

Hindi ba naiingit si Mikoy sa mga accomplishments ng kanyang Protegé batchmate?

Mabilis niyang sagot, “Wala, wala.

“Honestly, ewan ko kung nasasabi ko sa kanya 'to, but I’m really proud of him.

“I’m proud of him. Nakita ko kasi kung gaano ang in-improve niya.

“Gusto ko yung sobrang naging totoo lang siya all throughout the process.

“I’m sure, yung chances, yung opportunities na ibinigay sa kanya... kung naibigay sa maling tao, siguro lumaki na ang ulo nu’n.

“Pero si Ruru, he handled it well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw nararamdaman ni Mikoy na magkakumpetisyon sila ni Ruru.

Diin niya, “No, masasabi ko na magkaiba kami ng landas.

“Magkaiba kami ng place sa industry.

“Yun nga, once you find yourself, you don’t get insecure or jealous with those things.

“Nakaka-disappoint kasi kapag kinu-compare mo ang sarili mo sa iba.

“I’m not saying that I don’t [compare]. Sometimes hindi mo rin maiwasan.

“But once you remind yourself of your real purpose, mawawala lahat yun, e.

“Parang kapag lagi mong tinatanong sa sarili mo kung bakit ko nga ba ginagawa ang lahat ng ito in the first place at kapag nakuha mo ang sagot mo, those things won’t matter anymore—yung mga insecurities.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikoy sa presscon ng Sirkus kamakailan na ginanap sa GMA Coop Building sa Timog Ave., Quezon City.

ALL PRAISES FOR MIKEE. Puring-puri naman ni Mikoy ang “kakambal” niya na si Mikee Quintos sa bago nilang weekly serye, ang family/adventure series na Sirkus na ngayong Linggo (January 21) unang eere sa GMA-7.

Ayon kay Mikoy, “Even before this, even before Encantadia, nagkasama na kami sa workshop.

“Doon pa lang, nag-click na kami.

“And this is the first time that I actually got to work with her, and she’s one of the most generous actresses that I worked with na ka-age ko.

“Hindi ka mahihiyang mag-out kasi alam mong yun din ang gagawin niya.

“Yung iba kasi ang hirap pakiramdaman, baka isipin nila cheesy ka or, 'Kabagu-bago nito, bakit ganun siya?'

“Sa amin ni Mikee, hindi.

“To the point na mas personal ang trabaho namin dahil kami ang magka-partner.”

Dugtong pa ni Mikoy, “Sabi ko nga sa kanya, wala akong ma-imagine na tao na maging ganito ka-click na kakambal ko kahit pa sa lalaki, parang wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya ang pinaka-okey na makatrabaho ko as kambal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN