Inamin ni Kris Bernal na na-frustrate siya nang hindi niya nakamit ang acting award sa telebisyon para sa dual role na Nimfa at Rosette sa GMA-7 afternoon series na Impostora.
“Siyempre napu-frustrate ako,” pag-amin niya.
Ayon kay Kris, “Yeah, every time naman na I’m given a show, I always give my best kasi.
“Talagang buong oras ko, pino-focus ko ang attention ko sa taping.
“At first, it was Little Nanay, parang nag-expect ako sa Little Nanay kasi it’s something different.
“Hindi normal ang character ko, pero hindi ko siya nakuha.
“’Tapos ‘eto rin, gumanap ako ng kakaiba rin, pero hindi ko pa rin siya nakuha.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa taping ng Impostora sa Urology Hospital sa Quezon City.
HER LAMENT. Himutok pa ni Kris, “Hindi ko na alam, ano pa ba ang role na puwede akong ma-recognize o makakuha ng award?
“Parang ginagawa mo naman ang best mo, binibigyan ka naman ng tamang project.
“Pero parang hindi mo alam kung ano ang kulang pa, may times na parang gusto kong mag-give up.
“Minsan kasi, yun ang sinasabi ko, aktres lang ako kapag may award na ako.
“Parang dun ko pa lang matatanggap ang mga sinasabi ng mga tao na, ‘Ay, magaling ka.’
“Doon ko pa lang siguro matatanggap na magaling ako.
“Ngayon feeling ko parang baguhan pa rin ako na nangangapa.”
NOT GIVING UP. Goal pa rin daw ni Kris na mapansin siya at makatanggap ng acting award.
“Yun pa rin ang goal ko, kaya lang ilang taon kaya ako para magkaroon?
“Ten years na rin ako,” kaswal niyang kumento ukol sa kanyang showbiz career.
Nakaka-pressure ba yung meron siyang ine-aim na award?
Sabi naman niya, “Hindi naman nakaka-pressure…
"Siyempre kapag may goal, gagawin mo ang lahat para makuha mo yun.
“Ako naman, siguro may mga time na nagiging pabaya rin ako sa mga eksena ko.
“Pero karamihan talaga kinakarir ko, ang hirap lang talaga na walang nangyayari.”
TOUGH ROLE. Ikinuwento rin ni Kris kung gaano kahirap ang dual role na magkaibang-magkaiba ang karakter at pisikal na anyo na ginanap niya sa Impostora.
Bukod doon, inaabot ng mahabang oras ang paglalagay ng prosthetic niya at yung pagpapalit-palit depende sa hinihingi ng eksena.
“Nakakabaliw talaga siya… Nakakabaliw siya na masarap gawin.
“Natsa-challenge ako na maging kontrabida, maging matapang.
“Medyo wala naman kasi akong mga kaaway sa totoong buhay.
“Hindi ko pa naranasan yung may makaaway ako, may gantihan ako.
"So hindi ko pa alam yung feeling na yun.
“Talagang naging challenging for me yung Rosette.
"Pero yung mga comments ng mga tao, natutuwa sila kapag nagsasama.
“Paano nga raw nangyayari yun, parang nakakalakas din ng loob.”
Ang tinutukoy ni Kris ay ang dalawang karakter—si Nimfa at si Rosette—na siya rin ang gumaganap.