Miguel Tanfelix happy that Kambal, Karibal is slowly climbing the ratings chart

IMAGE Noel Orsal

Miguel Tanfelix is happy that their show Kambal, Karibal is slowly gaining its loyal audience. "Every night meron kang aabangan. Hindi lang yun, bagong sangkap siya sa primetime drama na may halong horror at love story."



Masaya si Miguel Tanfelix na pataas nang pataas ang ratings ng GMA-7 primetime series nila na Kambal, Karibal.

Base sa latest AGB ratings, natalo na nito ang katapat nitong programa.

Ibig sabihin lang daw, naa-appreciate na ng mga manonood ang kakaibang konsepto ng kanilang serye ng ka-loveteam niyang si Bianca Umali.

"Masaya po ako dahil naa-appreciate ng viewers yung effort na ginawa namin," sabi ni Miguel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa GMA-7 kamakailan. 

"And siyempre hoping po ako na patuloy nilang suportahan ang Kambal, Karibal.

"Talagang nagpapakapagod po kami para mabigyan sila ng inspirational na story gabi-gabi."

Nagsimula ang Kambal, Karibal na hindi kasing-taas ang ratings na meron sila ngayon.

Alam nilang iba ang konsepto ng kanilang teleserye, pero natutuwa raw si Miguel na kinakagat na ito ng mga manonood ngayon.

"Sa tingin ko po sa story rin," aniya.

"Maganda ang story kaya sinusubaybayan na nila.

"Every night meron kang aabangan. Hindi lang yun, bagong sangkap siya sa primetime drama na may halong horror at love story."

Ang rival ABS-CBN program ng Kambal, Karibal ay ang La Luna Sangre. Kagabi, January 25, ang AGB rating ng Kambal, Karibal ay 10.% samantalang ang La Luna Sangre ay nakakuha ng 9.8%.

Sa isang banda, tila habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang anumang relasyon meron sa pagitan nila ng kanyang ka-loveteam na si Bianca.

Noong nakaraang Kapaskuhan, magkasama silang umakyat sa bundok ng Nagpatong para mag-hiking.

Unang beses nila itong ginawa at base sa mga postings nila sa social media, hindi rin ito magiging huling beses.

"Yung pagha-hiking namin ni Bianca, ginawa talaga namin yun para ma-experience namin together.

"Quick getaway namin yun kasi, magpa-Pasko nun, first time naming ginawa."

At ngayong taon nga raw, bukod sa sana raw ay patuloy lang ang pagsuporta ng manonood sa serye nila, marami pa silang maging travels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magde-debut na si Bianca ngayong March, may pina-plano na ba siya?

"Hindi ko sasabihin. Surprise," natatawang sagot ng binata.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN