Willie Revillame becomes emotional; gives away 600 phones on Wowowin

Willie Revillame becomes emotional on Wowowin as he recalls his daughter Meryll Soriano.


Imbes na magkaroon ng pagdiriwang para sa kanyang 57th birthday ngayon, January 27, pinili ni Willie Revillame na pasayahin ang 600 studio audience members ng Wowowin sa pamamagitan ng pamimigay ng Android phones at jackets.

Nasorpresa ang studio viewers dahil hindi nila inaasahan ang sorpresa na natanggap mula kay Willie.

Ayon sa GMA-7 TV host, "Alam niyo na sinadya ko na walang bumati sa akin [ng happy birthday]. Sinadya ko na wala lang ito. Ayoko na ng party, sa mga pinagdaanan natin, yung Marawi, mudslides sa ibang mga bansa, yung Mayon volcano…

"Maraming tao ang nahihirapan. Hindi ko na kailangan pa na mag-celebrate. Sapat-sapat na ang kung ano ang meron ako sa buhay ko.

"Ngayong araw na ito, naisip ko lang na walang babati. Ayoko ng VTR, ayoko ng kung sinong kaibigan ang babati, ayokong pinapagalitan ko ang staff.

"Oras na meron kayong gagawin na gimik, magagalit ako sa inyo kasi gusto ko ako ang magreregalo sa inyo at napakasuwerte niyo dahil natiyempo ang araw na ito na kayo ang kasama ko.

"Kung anuman ang ibibigay ko sa inyo, yung abot kaya namin at sa abot kaya ko. Huwag kayong mag-alala, it’s a souvenir, kahit papaano, makakatulong sa inyo."

May malaking sorpresa rin na pinaplano si Willie para sa upcoming milestone ng kanyang variety-game show.

"Ang pinaghahandaan po namin, yung 3rd anniversary ng Wowowin dito sa GMA.

"Abangan niyo po ‘yon, it’s a big big event dahil sa sobrang suporta sa akin ng GMA, Atty. Felipe Gozon, Mr. [Gilberto] Duavit, Mr. Felipe Yalong, Mr. Joey Abacan, lahat ng mga Kapuso ko dito na wala akong narinig na inggit, na wala akong narinig na kahit anong negative.

"Never akong sinaraduhan ng pintuan ng station. Alam niyo bakit?

"Hindi dahil sa akin, dahil ang programang ito, nagbibigay ng saya, ligaya, pagmamahal at pag-asa sa bawat Pilipino." 

Dahil sa ginawa niyang ito, ikinumpara si Willie sa American television host na si Oprah Winfrey na madalas magbigay ng mga freebies sa viewers ng kanyang defunct show na Oprah.

Sa January 26 episode ng Wowowin, naging emotional si Willie matapos niyang mapanood ang mga video greetings para sa kanya.

Naalaala niya ang kanyang mga anak at kuwento niya, "Mahal ako ng mga anak ko. Hindi kami close. Ngayon lang kami naging close. Itong mga panahon lang.

"Ginagawan ng paraan ni Meryll [Soriano], yung panganay kong anak. Yung iba kong anak, pinapasundo niya at pinapapunta niya sa bahay.

"Nagkakasama kami kahit ilang araw, ilang gabi." 


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN