RK Bagatsing never rode on older brother Raymond's coattails

IMAGE Noel Orsal

RK Bagatsing on carving his own niche in showbiz and moving out of the shadow of older brother Raymond: "Sobrang nag-start ako from scratch na kakayanin ko ito kasi kinaya ng kapatid ko. Gusto ko, kahit yung kahit kalingkingan ng naabot ng kapatid ko, in my own work, on my own effort, maabot ko."


Para kay RK Bagatsing, ang role niya bilang Arnaldo Ardiente sa seryeng Wildflower ang pinakamalaking break niya sa ilang taon pa lang niya sa showbiz.

Hinangaan ang husay at brilyo niya bilang isa sa mga kontrabida sa show, at nakagawa rin siya ng sarili niyang tatak para mamukod-tangi sa dami ng dekalibreng mga aktor at aktres na kasama niya sa show.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay RK sa nakaraang thanksgiving/farewell presscon ng Wildflower noong nakaraang Miyerkules, January 31, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, kinuwento ni RK kung paano nabago ng serye ang kanyang showbiz career.

“Naku, malaki!

“This is my biggest break so far, and from my head show also [Be My Lady] na napakabait ng role ko, I didn’t think na mas magiging successful pa yung next show ko.

“Ngayon pag lumalabas ako, tinatawag akong Mr. Mayor, Arnaldo.

“Sabi nga ni Tito Pip [Tirso Cruz III], you know na maganda ang naibigay mo pag tinatawag ka sa character name mo pag lumalabas ka.”

Kahit na kontrabida role ang kanyang ginagampanan, tila iba ang reaksyon ng mga manonood ng Wildflower sa karakter ni RK.

Sa halip na magalit o mainis sa kanya, nagpapakita ang mga ito ng kakaibang pagmamahal para sa aktor.

Lahad niya, “Ang weird nga, kasi masama ako sa istorya pero minamahal si Arnaldo ng mga audience, e.

“Minsan pag may sinakal ako sa eksena, sasabihin sa mga tweets, 'Arnaldo, sakalin mo rin ako.' 'Arnaldo, kidanapin mo rin ako.'”

“It’s weird na kahit gaano kasama yung role na Arnaldo, somehow nag-iinvest sila ng emotions dun sa tao. Actually mahal nila, e.

“May ilang tao na nagalit talaga lalo na nung pinatay ko si Carlota pero after that, nakita rin nila yung journey kung gaano niya kamahal si Ivy Aguas.”

SIMILARITIES. Sa kabila ng sinasabing kasamaan ng role na kanyang ginampanan, nakita ni RK na ang pagkakahawig ng kanyang role sa kanyang tunay na pagkatao ay ang malalilm na pagmamahal nila sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kahit gaano kasi kasama ang mga Ardiente, they have so much love for their family. They protect their own.

“I think that’s very obvious na kahit saan mo sila ilagay, proprotektahan mo ang pamilya mo.

“Lahat ng ginagawa ko, proprotektahan ko, kukunin ko ang mahal ko sa buhay.

“Di yun masyadong nalalayo kay RK kasi ganun din ako sa pamilya ko, yun ang paghuhugutan ko.

“Di lang ako pumapatay, di lang ako kasalbahe, ganun ka-obsessive pero may puso din sila in a way somewhere.

“Siguro yung audience naiintindihan nila yung pinanggagalingan ng character kaya nag-iinvest din sila.”

NOT RIDING ON BROTHER'S COATTAILS. Marami ang hindi nakakaalam na si RK ang nakababatang kapatid ng mahusay na aktor na si Raymond Bagatsing.

Sa kabila ng relasyon nila bilang magkapatid, hindi ito ginamit kahit kailan ng aktor nang pumasok siya sa industriya.

Pag-amin niya, “Ever since naman, I never exploited the fact that Raymond Bagatsing is my brother.

“Pag nago-audition ako, never kong mine-mention na he’s my brother because he made it on his own, e.

“Very unfair for him for me to relay, 'Halika, tulungan mo naman ako,' or yung idea na, 'Hi, kapatid ko po si Raymond.'”

“Sobrang nag-start ako from scratch na kakayanin ko ito kasi kinaya ng kapatid ko.

“Gusto ko, kahit yung kahit kalingkingan ng naabot ng kapatid ko, in my own work, on my own effort, maabot ko.”

HARDSHIPS AS ACTOR. Ibinahagi ni RK na hindi biru-biro ang pinagdaanan niya noon para marating kung nasan man siya ngayon.

Dagdag pa niya, “Alam ninyo naman kung saan ako galing, ang hirap na pinagdaanan ko sa mga auditions, just to get projects.

“Sa Cinemalaya pumipila talaga ako, yung Cinemalaya nakuha ko yun, libu-libo kaming pumila, di ako handpicked.

“Ever since pumipila talaga ako, di ako nag-ano sa idea na baka piliin nila ako, handpicked baga. Hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipapakita ko, 'Heto ako, pumila po ako. Ita-try kong umarte, papakita ko kung ano ang kaya ko.'

“Ganun ako, masaya ako kung saan tumakbo ang career ko.

“Di ko alam kung hanggang saan pa ito pupunta pero now, at this moment masaya ako.”

PROJECTS. Ngayong malapit nang matapos ang Wildflower, tinanong namin si RK kung may nakalinya na bang bagong trabaho para sa kanya.

Masaya niyang pahayag, “Kasama ako sa Maja On Stage, [Maja Salvador concert], pupunta kami sa States this Feb, magpe-perform muna kami.

“Magpapa-sexy tayo dun, magpapa-abs tayo.

“After nun, may mga kinakausap na ako sa next show for ABS also, RSB unit.

“Let’s see kung anong role. Di ko pa alam pero they are interested.

“Ako naman, as long as feeling ko kaya kong ibigay ang hinihingi nila sa akin, game ako diyan.”

LOW-KEY LOVE LIFE. Kahit busy siya sa kanyang showbiz career, masaya naman si RK sa kanyang personal na buhay, lalo na sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Sabi niya, “I’m happy. I’m seeing someone. Non-showbiz.

“Well, sa nakikita ko ngayon, bago lang ako sa showbiz. Toxic nga.

“Yung mga kaibigan ko, medyo nahihirapan sila sa limelight pag pareho silang in a relationship.

“Naku-compare ko, mas low key, may privacy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN