Erich Gonzales gets advice from Claudine Barretto about work: "Stay sane."

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Erich Gonzales (right) is essaying a most demanding role, admitting it's her toughest yet. To prepare for her role, she asked for advice from Claudine Barretto (left) who played triplets in the past.



Bida si Erich Gonzales sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Blood Sisters.

Ito na raw ang pinaka-challenging, pinaka-daring at pinakamahirap na role na ginampanan niya kung saan tatlong katauhan ang gagampanan niya.    

Isa raw sa hiningan ng payo ni Erich ay si Claudine Barretto na minsan na ring gumanap as triplets sa 1999 Kapamilya series na Saan Ka Man Naroroon.
    
Masayang pagbabahagi niya, “I talked to Mama Pretty, I call her Mama Pretty, si Ate Claudine.

“In one of our dinners, nakuwento lang niya na, 'O, exciting ito but make sure, ‘wag mong kalimutan, stay sane.

“‘Wag mo masyadong i-push ang sarili mo, you feel like na di mo na ito kayang gawin.'

“‘Cause ako, hanggang di bumibigay ang katawan ko, go lang ako ng go. Lahat ng tao, pagod ka na? Gusto mo nang umuwi?

“‘Di yun manggagaling sa akin, it’s not my call, hanggang kaya go lang.  

“Kahit masakit, go lang, not unless sabihin nilang pack up.

“‘Never nilang maririnig sa akin, I’m tired, I wanna go home, walang ganun.

“‘Ganun tayo ka-passionate with our job.’”

Kumento naman ni Erich, “Hindi madali itong Blood Sisters, talagang importante na hindi ako masiraan ng bait."

Ikinuwento ni Erich ang tungkol sa mga payo ni Claudine sa kanya sa presscon ng Blood Sisters noong Lunes, February 5.

Mapapanood na ang serye sa ABS-CBN sa darating na Lunes, February 12.

GIVING IT HER ALL. At tulad nga ng bilin ni Claudine sa kanya, go-go-go rin daw si Erich sa pagganap sa teleserye.

Aniya,  “Mahirap kung sa mahirap because imagine in one day kailangan mong magpalit-palit ng characters.

“Sa isang eksena magkakasama silang tatlo, change makeup ka, iba naman, damit, lahat.

“Kailangan alam mo talaga ang puso ng bawat character.
   
“Pinaka-challenging, pinaka-daring, pinakamahirap sa lahat.

“Kumbaga, ito yung dream project so talagang wala tayong ititira sa sarili natin, give your all.
 
“Unang-una, nagpapasalamat tayo dahil pinagkatiwalaan tayo ng ganitong klase ng project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap talaga ito, kailangang pagtrabahuhan… kailangan prepared talaga kayo.
 
“Nag-shoot kami nun sa Baguio… lahat ng scenes namin, super intense talaga.

“To the point na yung veins ko, feel ko puputok na anytime, parang aatakihin ako sa puso.

“Naka-stand by yung ambulance.”
    
IN CHARACTER. Nakikita rin daw ni Erich ang sarili sa tatlong karakter na ginagampanan niya.

Ayon sa kanya, “Sa tingin ko may Erika in me, may Agatha and Carrie.

“Just like Erika, willing siyang gawin ang lahat para sa mga taong mahal niya.

“Si Carrie naman, she’s very passionate with her craft and ganun din naman tayo pagdating sa trabaho natin.

“Si Agatha, yung pagiging go-getter niya, pag may gusto ka, gagawa ka ng paraan para makuha mo yun.

“Kung di maibibigay, you’ll create something, kung anuman yun para makuha.”

Nagpapasalamat rin daw si Erich sa mga kasamahan niya sa Blood Sisters.

“I get my inspiration from my co-actors, everyone na kasali dito, kasama ko sa show, sobrang grateful talaga ako.

“Passionate din sila, lahat kami dedicated sila sa trabaho nila, binibigay nila or ginagawa nila more than ang hinihingi sa kanila.

“Sino ako para maging hindi katulad nila?  Siyempre, nice na lahat kami same yung thinking, na mapaganda yung proyekto.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN