Ejay Falcon looks back on Katorse days with Erich Gonzales and Enchong Dee

IMAGE @ejaythefalcon on Instagram

Ejay Falcon on Katorse co-stars Erich Gonzales and Enchong Dee: "Dati, may mga tampuhan pa na parang mga bata..."


Grateful ang Kapamilya star na si Ejay Falcon sa nagdaang taon dahil sa mga proyektong nagawa niya sa telebisyon at pelikula.

Pumasok din ang bago niyang serye sa ABS-CBN, ang Blood Sisters.
 
Na-excite daw siya kasi parang reunion project daw nila ito nina Enchong Dee at Erich Gonzales na una niyang nakatrabaho sa TV adaptation ng Katorse noong 2010.

Sabi pa niya, ”And after eight years, masasabi naming lahat kami, nag-mature in terms of personality namin.
 
“In terms of acting, iba na kami ngayon, excited kami kasi sabay-sabay kaming ni-launch noon sa Katorse.
 
Nagbalik-tanaw pa si Ejay kung paano sila noon.
 
“Dati, may mga tampuhan pa na parang mga bata, ngayon, mas mature na kaming mag-isip.

“Mas malalim, mas masaya, mas nag-e-enjoy na lang.”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. kamakailan.
 
THEN AND NOW. Nakakapag-kuwentuhan nga raw sina Ejay, Erich, at Enchong kung paano sila dati.

Inisa-isa rin ni Ejay ang mga nakikita niyang pagbabago kina Erich at Enchong.
 
Ayon sa kanya, “Si Erich, mas maganda na ngayon, mas sexy na.

“Si Enchong naman, si Enchong yung parang ano sa amin, kung ano siya dati, ganun pa rin siya ngayon.
 
“Mature naman siya pero physically kasi, parang ganun pa rin ang itsura niya, same-same pa rin. 

“Pretty boy, makulit pa rin.”
 
At pare-pareho na silang mayayaman.

“Hindi naman mayaman,” natatawa niyang reaksiyon, “nakakatawid lang.”
 
Mas daring ba silang tatlo sa Blood Sisters?
 
“Yung daring, hindi naman mawawala, nandoon talaga siya sa isang teleserye. 

“Siguro masasabi ko, hindi mas daring, mas mature, mas malalim.

“Basta ako, sobrang thankful ako na nakasama ko silang muli. 

“Kasi yung Katorse ang first teleserye ko na wala akong kaalam-alam sa lahat, lalo na sa acting.

“Parang hindi pa ako nakakapag-adjust sa showbiz, sinalang na agad ako sa Katorse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangyari ito matapos niyang makamit ang pinakamalaking premyo bilang big winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008.

Naalala pa ni Ejay, “Ang dami rin hirap na pinagdaanan sa akin ng mga katrabaho ko.

“Kaya masasabi kong ito naman siguro ang pambawi ko sa kanila.”

Isa si Ejay sa mga Kapamilya stars ngayon na masasabing hindi halos nababakante, at “sobrang thankful” daw siya.
 
Sabi pa niya, “Kasi sa dinami-rami ng mga artista, at kapag tiningnan mo ang Star Magic catalogue, parang ilang young actors ang makikita mo. 

“Iba pa yung hindi Star Magic pero nabibigyan ng chance na mapasama or mapagkatiwalaan nila.
 
“Kaya ako, sobrang thankful.”

Ang karakter raw niya sa serye ay kababata ng isa sa mga karakter ni Erich sa Davao. Makikilala rin daw niya ang isa pang Erich na sosyal naman.
 
Ayon kay Ejay, “Sobrang gusto ko siya kasi medyo malapit sa personality ko.

“’Tapos napapanahon pa yung mga dialogues na petmalu [malupit].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN