Glydel Mercado explains why she didn't join beauty pageants during her prime: "Wala akong balakang!"

IMAGE Noel Orsal

Glydel Mercado explains why she didn't join beauty pageants during her younger years, despite the prodding of friends and colleagues: "Unang-una, kulang ako sa height. Kailangan matangkad ka, di ba? E, ang liit ko. Tsaka ang problema ng katawan ko kasi, wala akong balakang! Ako ang babaeng hindi nabiyayaan ng Diyos ng balakang!"


Pagkatapos niyang gumanap bilang isang social climbing stage mother sa Kapuso teleserye na My Love From The Stars, gaganap ulit si Glydel Mercado bilang isang ina sa bagong afternoon teleserye ng GMA-7 na The Stepdaughters.

Sa pagkakataong ito, si Miss World 2013 Megan Young naman ang gaganap bilang anak niya.

Api-apihang ina raw si Glydel dito, at si Megan (na gaganap bilang si Mayumi), ang palaging magtatanggol sa kanya.

IMPRESSED WITH MEGAN'S ACTING. First time na makatrabaho ni Glydel si Megan at nagulat daw siya na may ibubuga pala ito sa pag-arte.

“Magaling pala si Megan pagdating sa drama.

“Kapag tinitingnan ko kasi siya, parang simple lang siya at masayahin ang aura—yung wala kang masyadong ie-expect sa kanya pagdating sa pag-arte.

“Ako naman kasi, ilang mga baguhan sa pag-arte ang nakatrabaho ko na at sinusuportahan ko sila kung kinakailangan.

“Pero nagulat talaga ako kay Megan dahil may lalim din naman pala siya.

“May mga scenes dito na mabigat at nagawa naman ni Megan nang maayos.

“Kaya nasabi ko na, ‘Ay, okey naman pala ang taong ito. Hindi kami mahihirapan sa isa’t isa.’

“Hindi lang pala maganda si Megan, nakakaarte rin siya,” pahayag ni Glydel nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng The Stepdaughters sa Prime Hotel in Quezon City noong nakaraang February 2.

NOT BEAUTY QUEEN-WORTHY? Since beauty queen ang gaganap na anak ni Glydel sa teleserye, tinanong namin ang aktres kung nagkaroon ba ito ng pangarap na maging beauty queen noong kabataan niya.

“Naku, hindi ko bet ang sumali sa mga beauty contest noon.

“May mga nagpu-push sa akin noon na sumali ako sa mga ganitong beauty pageants, pero ayoko.

“Hindi ko keri!

“Unang-una, kulang ako sa height. Kailangan matangkad ka, di ba?

“E, ang liit ko. Dinadaan ko na lang sa mataas na heels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka ang problema ng katawan ko kasi, wala akong balakang!

“Ako ang babaeng hindi nabiyayaan ng Diyos ng balakang!” malakas na tawa pa ni Glydel.

Kaya imbes na beauty contest, singing contest na lang ang sinasalihan noon ni Glydel.

“Kasi sa mga singing contest, mas may chance akong manalo kesa sa beauty contest.

“Dahil wala akong balakang, diretso ang katawan ko.

“Walang curves. Pagkatapos ng waist ko, tuhod na raw agad!

“Buti na lang kapag nagga-gown ako, may kadera or paddings kaya nagkakaroon ako ng kurba. May ilusyon na malaki ang balakang ko.

“Tinubuan naman ako ng konting balakang noong nanganak ako sa unang anak namin ni Tonton [Gutierrez, her husband].

“Pero noong pumayat ako, nawala ulit!” tawa ulit ni Glydel.

DIRECTORS' FINAL CURTAIN CALLS. Kabilang din si Glydel sa sobrang nalungkot sa pagkawala ng dalawang batikang direktor na nakatrabaho niya sa TV at pelikula na sina Maryo J. delos Reyes at Argel Joseph.

Nakatrabaho ni Glydel si Direk Maryo J. sa pelikulang Teenage Mama noong 1993 at Love Notes: The Movie noong 1995.

Napansin daw ng aktres na patas ang pagtingin at pagtrato ni Direk Maryo sa mga bida at supporting cast ng mga nahawakan nitong mga pelikula.

Pagbabalik-tanaw niya, “Lahat tuturuan niya.

“Kahit na maliit lang ang part mo, Direk Maryo wants you to shine.

“Ganyan siya magtiwala sa mga nakakatrabaho niya.

“I remember na may isang scene sa Teenage Mama na di ko makuha.

“Tinawag niya ako, 'tapos in-explain niya nang mabuti.

“Gusto ni Direk na magawa ko yung eksena kasi importante yun para sa kanya.

“Ganun siya ka-concerned sa amin na parang tatay talaga.”

Naging malapit din si Glydel kay Direk Argel na nakatrabaho niya sa ilang TV shows na hawak nito.

Heto ang pamamaalam ni Glydel kay Direk Argel sa kanyang Facebook account:

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN