Comedienne Divine Aucina pays it forward through charity work for kids

Kindhearted comedienne Divine Aucina never fails to pay it forward and share her blessings to less fortunate kids: "Sobra akong na-bless for the past two years. Kaya I make sure po na I give back—I pay it forward. Kung anong blessings ang matanggap ko, gusto kong ibalik iyon sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa ko."


Mahalaga ang buwan ng Pebrero para sa Kapuso comedienne na si Divine Aucina.

Makabuluhan daw para sa kanya ang petsang February 14 hindi dahil kilala ito bilang Araw ng mga Puso or Valentines Day, pero dahil ito raw ang petsa ng kanyang pagiging isang ful-fledged TV comedienne sa bakuran ng GMA-7.

February 14, 2016 noong ni-launch ang programang Dear Uge kunsaan kasama ni Divine ang award-winning comedienne and TV host na si Ms. Eugene Domingo.

Sa naturang show daw napansin ang kanyang pagiging komedyante na siyang nagbukas ng maraming pintuan para sa kanya sa showbiz.

“Before Dear Uge, lumalabas-labas na rin ako sa mga bit roles sa TV at movies.

“Sa movies, lumabas akong maid nila Alice Dixson at Gabby Concepcion sa When The Love Is Gone.

“May bit role din ako sa English Only, Please nila Derek Ramday and Jennylyn Mercado.

“Ako yung napagkamalan ni Derek na si Isabel Oli.

“Nakasama rin ako sa My Bebe Love. Isa ako sa barkada doon ni Maine Mendoza.

“May ginawa rin akong indie film na Children’s Show noong 2014.

“Sa TV, maid ang role ko sa teleserye ng GMA na Mundo Mo’y Akin.

“'Tapos, lumabas na ako sa Karelasyon.

“Dahil sa role ko sa Karelasyon kaya ako kinuha para sa Dear Uge,” kuwento pa ni Divine nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Firestarters Productions office sa Timog Avenue, Quezon City last February 3.

GROWING SHOWBIZ FAMILY. Sa ika-2 anniversary ng Dear Uge, lumaki na raw ang pamilya nila at patuloy ang magandang ratings ng kanilang show.

“Nakakatuwa lang isipin na kaming dalawa lang ni Ms. Eugene ang nagsimula sa Dear Uge.

“Ngayon, dumami na kami sa show.

“Sa Dear Uge unang nag-display ng six-pack abs niya si Jak Roberto.

“Sa show din nagsimula sina Mercy at Hercules na nagge-guest na rin sa mga teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya malaki ang utang na loob namin sa Dear Uge dahil naging daan yung show para mas mapagbuti pa namin ang trabaho at ma-cultivate pa namin ang talent na bigay sa amin ni Lord,” pagpapasalamat niya.

BLESSED WITH PROJECTS. Naging isa sa busiest comediennes si Divine at nagkasunud-sunod ang paglabas nito sa mga shows tulad ng Superstars Duet, Magpakailanman, Naku Boss Ko, Full House Tonight, Tadhana, Wagas, Daig Kayo Ng Lola Ko, Destined To Be Yours at My Korean Jagiya.

Ginawa rin niya ang mga pelikulang How To Be Yours at Our Mighty Yaya.

“Sobra akong na-bless for the past two years.

“Kaya lagi akong nagpapasalamat kay Lord kasi wala ang lahat ng ito kung wala Siya.

“Kaya I make sure po na I give back—I pay it forward.

“Kung anong blessings ang matanggap ko, gusto kong ibalik iyon sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa ko,” diin niya.

CHARITY WORK FOR KIDS. Malapit si Divine sa mga bata kaya pumupunta siya, kasama ng kanyang mga kaibigan, sa mga bahay ampunan para sa kanilang charity mission.

Noong nakaraang December 2017, sa Zambales pumupunta ang grupo ni Divine para maghatid ng mga regalo sa mga bata roon.

Lahad niya, “Love ko ang mga bata.

“Sila yung unang nakakakilala sa akin kapag nagte-taping kami on location.

“Tawag nga ng ibang bata sa akin, ‘Si Dear Uge! Si Dear Uge!’

“Pero noong nagkaroon ako ng My Korean Jagiya, tinatawag nila ako na Clarissa na name ng character ko doon.

“Yung charity work namin ng friends ko, matagal na namin yan ginagawa.

“Enjoy lang kami na may mapasaya kaming mga bagets.

“Naging maganda ang lahat for me noong 2017.

“Maayos ang career ko, pati na ang family ko.

“Kaya hindi puwedeng hindi ako mag-share ng blessing aside sa family ko.

“Masaya lang kapag bata dahil makikita mo agad yung happiness nila, mabilis silang mag-thank you at super smile sila kapag inabutan mo sila ng regalo." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENVIRONMENTAL ADVOCACY. Hindi kaya ang pagkatuwa niya sa mga bata ay senyales ng kagustuhan niyang magkaroon na ng sarili niyang anak?

Bulalas niya, "Anak agad? Wala pa ngang gagawa!

"Pero anytime puwede ako kasi lagi akong fertile!

"Sa totoo lang, siyempre iniisip mo na rin ang mga ganyan, di ba?

“Pero nasa right timing ang lahat.

"Ngayon kasi focused tayo sa work. Yun ang importante.

"'Tapos, I want to do more charity work.

“Aside sa mga bata kasi, nature lover ako, kaya yung pag-protect sa environment ang gusto kong maging next project namin ng mga friends ko.

"Since mahilig kaming mag-beach, puwede kaming tumulong sa paglinis ng beach at ng dagat.

"Mga ganyan muna ang mga abala ko sa buhay.

"Kaya walang time sa lovelife.

"Kaya walang chance na magka-baby agad!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN