Yasmien Kurdi on her new teleserye tackling HIV: "Hindi siya yung usual na kabit-serye."

Yasmien Kurdi conducted research to prepare for her role as an H.I.V. patient in Hindi Ko Kayang Iwan Ka.


Sa February 26 na ang pilot ng bagong afternoon series ng GMA-7, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka na pagbibidahan ni Yasmien Kurdi.

Advoca-serye ang tawag nila rito dahil sa hangad na makagbigay rin ng awareness sa sakit na H.I.V.

Sa ngayon, ang afternoon prime ng GMA-7 ang may magandang standing pagdating sa ratings. Kilala rin naman si Yasmien na isa sa mga Kapuso rater.

Pero, aminado itong hindi nawawala ang pressure lalo pa nga’t alam daw niyang matataas ang ratings ng panghapong programa ng Kapuso network.

“Actually, pressure po talaga at lagi namang pressure talaga. Sana mag-pray lang tayo na sana tulungan tayo ni Lord at sana yung mga tao, manood.

“We always pray. Prayer lang talaga and prayer can move mountain. Na sana bigyan niya tayo ng mataas na rating at sana rin mapanood ng mga tao. Sayang naman yung soap kung hindi nila mapapanood.”

Dugtong pa ni Yasmien, “Actually, maganda talaga itong soap na ‘to. Hindi siya yung usual na kabit-serye. It’s an advoca-serye. Hindi pa rin mawawala yung mga cat fights kasi, teleserye pa rin siya. Pero advoca-serye siya kaya may awareness, to educate people.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa presscon ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka noong February 12 sa 17th Floor ng GMA Network.

Isang bagay raw ang gustong maging mensahe ni Yasmien sa mga tao na makakakilala ng may mga sakit na H.I.V.

“Do not judge,” saad niya.

“Do not judge the person na madumi siya without knowing.”

May kilala na raw siyang namatay talaga nang dahil sa sakit na AIDS.

“Pero hayaan niyo na, you know, ganoon talaga ang buhay. Si Direk Maryo [J. delos Reyes] nga, sabi niya malapit daw sa puso niya ang show na ‘to. Kasi, meron daw siyang friend na couple sila, meron silang H.I.V. na dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then yung kids nila, negative yata or something. And sobrang lapit nito sa puso niya. Sa akin din, kasi may mga taong ayaw magsalita at nahihiya sila siyempre. Pero you know, isipin na lang natin na paano kung ikaw yun.

“Kailangan lang siguro, more on education kung saan nakukuha ang H.I.V., more awareness.”

Nabanggit ni Yasmien ang namayapang director dahil orihinal na ito sana ang magdi-direk ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, pero nagsabing hindi niya magagawa kaya pumalit dito si Neal del Rosario.

Ang masasabi raw ni Yasmien na kaibahan ng bago niyang teleserye kumpara sa mga nagawa niya in the past, naging personal na sa kanya ito.

“I did research. Nag-research talaga ko,” saad niya.

“Kahit mga personal na lakad na, pinupuntahan ko just to go sa mga advocacy for the show. Kahit hindi na siya kasama at kahit hindi na siya pinatawag ng production, pinupuntahan ko.”

Sabi pa niya, “And it’s very alarming, tayo na, ang Philippines ang No. 1 na merong bilang ng H.I.V. At pabata na ng pabata ang nagkakaroon like 13, 14 years old.”

Unang pagkakataon naman na magiging leading man ni Yasmien si Mike Tan na nagpakasal kamakailan lang.

Nagte-taping na sila nang magpakasal ito kaya tinanong namin si Yasmien kung nanghingi ba ito ng pointers sa kanya bilang masaya ang marriage life niya.

“Sabi ko sa kanya, congratulations, mabuhay ang bagong kasal.”

Hindi raw siya inimbitahan kaya wala siya sa kasal nito.

Natatawang sabi naman ni Yasmien, “Okay lang naman sa akin. Wala rin naman siya sa kasal ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN