Maine Mendoza surprised by strong resemblance between her and Super Sireyna contestant

IMAGE Screen grab from Eat Bulaga!

Spot the difference: Where is the real Maine Mendoza?


Ang 21-year-old transgender woman na si Mari Jean Montecillo ng Caloocan City ang nanalo sa Friday edition, February 16, ng "Super Sireyna" segment ng Eat Bulaga.

Napansin si Mari Jean ng manonood ng Kapuso noontime show dahil sa strong resemblance at panggagaya niya sa Eat Bulaga co-host na si Maine Mendoza.


Aliw na aliw naman sa kanya ang phenomenal star.

"Meron, e... sa bangs, saka sa bibig," sabi ni Maine nang tanungin nina Pia Guanio at Allan K. kung may pagkakahawig sila ni Mari Jean.

Ayon kay Mari Jean, si Miss World 2013 Megan Young ang dating ginagaya niya, pero isang bata raw ang lumapit sa kanya at nagsabing siya si Maine Mendoza.

"The little child called me, 'Hey, you are Maine Mendoza!'

"And then I looked at the mirror, yes! It seems I am Maine Mendoza," kuwento ni Mari Jean kaya mula noon, ang Eat Bulaga co-host na ang kanyang ginagaya.


Magkasabay na ipinakita nina Maine at Mari Jean ang mga talent nila sa dubsmash.

Si Montecillo ang kauna-unahang kandidata ng "Super Sireyna" na ginamit ang pangalan at ginaya ang hitsura ni Maine, kaya amused na amused ang TV host-actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN