Is there competition among Rhian, Lovi and Max in TOTGA? Rhian reacts

IMAGE From Instagram account of Rhian Ramos


Itinanggi ni Rhian Ramos na may competition sila nina Lovi Poe at Max Collins dahil ang kikay character ni Rhian na si Zoe Velasquez ang lumulutang, napapansin at pinag-uusapan ng viewers ng The One That Got Away.

Pinag-aagawan nina Rhian, Lovi, at Max si Dennis Trillo sa primetime romance comedy series na ito ng GMA-7.

“During rehearsal o blocking pa lang, para walang gulatan, kung anuman yung adlib na idadagdag ko, jino-joke ko na. Saka siyempre, kailangan maaprubahan ni Direk, e, kung hindi niya magustuhan ang punchline? Hindi puwede sa actual scene.

“Kapag rehearsal pa lang, if ever may gusto kaming idagdag… In fact, si Lovi din, kapag nabasa niya yung script, hindi ganoon kabakla pero kapag napanood niyo, siyempre, co-creators din kami ng lahat ng mga character."

May competition ba sa pagitan nina Rhian, Lovi, at Max sa show?

“No competition. Absolutely not. Parang lahat naman kami, the nice thing about the writers who wrote the script, lahat ng mga character, may kanya-kanyang shining moments. Not just the three girls, I also mean all of the characters. May sarili silang mga kuwento na hindi ako kasali doon, na hindi na kasali si Lovi o si Max,” ang paliwanag ni Rhian.

Ayon kay Rhian, posibleng ang karakter niya sa The One That Got Away ang umangat dahil ito ang maingay at palaging gumagawa ng mga kapalpakan.

“Si Zoe ang maingay. Siya ang gumagawa ng mga plano na palaging palpak.

"Na ang feeling niya ang galing-galing niya. Naniniwala talaga siya na magaling siya.

“Nung hindi ko pa nababasa yung script, parang character description pa lang, iniisip ko, 'Oh my gosh ako yung ihe-hate ng mga tao or kaiinisan.'

"Pero I still like the character kasi it adds color to the show at saka, kailangan din ng pampagulo but nung nabasa ko na yung pagkasulat, I personally found her very lovable.

“She has naman a lot of redeeming qualities na although andaming gulo na nangyayari dahil sa kanya, she always means well,” ang sabi ni Rhian tungkol sa karakter nito sa The One That Got Away na ginagaya ng gay fans niya.

“Recently, nagpunta kami ni Direk Mark [Sicat Dela Cruz] sa isang gay bar, tapos may lumapit sa akin, ‘Rhian, Rhian, pa-picture naman, sige na.' Sa FB chatroom namin, ang pangalan ko Zoe Velasquez.’

“When they feel like ako si Zoe, I just like it when people connect para for them, it feels like a real person. I love it. It’s the biggest compliment!”

Ano ang ginawa niya sa isang gay bar?

“Nanood ng show ng mga drag [queens] tapos hinatak nila ako sa stage. Rumampa ako.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN