Philippine Idol champ Mau Marcelo admits becoming an alcoholic; competes in Tawag ng Tanghalan

Mau Marcelo admits, "Parang naputol yung career ko after Philippine Idol." The singer emerged as the daily winner on Tawag ng Tanghalan during the February 22 episode of It's Showtime. 


Contestant sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime si Mau Marcelo, ang grand champion ng Philippine Idol ng TV5 noong 2006.

Sinabi ni Marcelo sa February 22 episode na sumali siya sa Tawag ng Tanghalan dahil sa kagustuhan niya na i-revive ang kanyang singing career.

Ipinagtapat ni Marcelo na naging alcoholic siya at nais niya na mahawakan uli ang titulo ng pagiging kampeon para sa kanyang mga anak at para sa Panginoon.

"Na-depress ako nang husto at naging alcoholic," pag-amin ni Marcelo sa kanyang pre-taped video interview. "Pero lubos ko itong pinagsisihan kaya nagbalik-loob ako sa Panginoon at hindi naman Niya ako pinabayaan."

Sa ngayon, nagpe-perform si Marcelo three times a week sa mga bar sa Lucena City.

Bago siya nanalo sa Philippine Idol, naging grand finalist si Marcelo ng Star for a Night, ang singing contest ng Viva Television at IBC 13 noong 2002.

Kalaban niya noon sina Mark Bautista, Angeline Quinto, at Sarah Geronimo. Si  Sarah G ang tinanghal na champion sa Star for a Night noon.

“Ang nag-udyok sa akin [na sumali] is kaya ko ulit patunayan, kahit sinasabi ng iba na may title na ako, huwag ka nang sumali.

“For how many years, hindi ako nagsasali ng mga singing contest, nag-abroad na lang ako para lang hindi maputol yung singing career ko.

“Nung bumalik ako dito noong August [2017], parang naisip ko, na fan ako ng Tawag ng Tanghalan, naghe-hesitate ako kasi baka makita, may title ako. Hindi nila ako pasalihin.

“Nagkaroon ng chance, nag-audition ako. Nag-udyok din sa akin na magkaroon ng second chance.

“Yung second chance na ‘yon, kahit magsimula ako, sa zero ulit. Magka-career uli if ever po. Parang naputol yung career ko after Philippine Idol. Makita uli ako ng supporters ko before na ready po uli ako na makipaglaban. Back to zero po lahat,” ang sabi ni Marcelo sa interview sa kanya nina Vice Ganda at Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuluyang pumatak ang luha ni Marcelo nang marinig niya ang mga payo sa kanya ni Gary Valenciano, ang punong hurado na natatandaan siya dahil special performer ang veteran singer sa finale night ng Philippine Idol noong 2006.

“I remember you,” ang sabi ni Gary.

“You are a champion pero ang daming nangyari sa buhay mo at ikaw ay naging isang alcoholic. Marami sa mga nagiging alcoholic ay dahil sa mga grabeng pagsubok na pinagdaanan.

“Kung may mga tao sa industriya na lumapit sa ’yo at nangako ng kung ano-ano at umabot sa wala, I would like to personally apologize for that.

“Dito sa Pilipinas, it’s only wet season and dry season pero sa iba’t-ibang lugar sa mundo, may mga iba’t-ibang seasons ‘yan, may summer, winter, fall, spring.

“Your season of being a champion, dumating at biglang umalis pero sa mga season na ‘yan tulad ng summer, talagang inaabangan ng lahat…

“Your summer season or your season of being a champion, it may have disappeared but the seasons always come back at ito ang masasabi ko sa ’yo.

“Binanggit mo sa video na you came close to the Lord. Mau, keep your heart open kasi hindi natin alam kung paano ka gagamitin ni Lord, kung paano ikaw magiging champion niya.

“Matagal ka na sigurong may balak na bumalik sa entabladong ito, this is your chance, this is probably a new door opening up.

“Hindi ako gagawa ng mga pangako na maaaring hindi umabot sa kung anuman ang gusto mong mangyari but I know this is an open door. This is God opening up an avenue, a road, a highway for you para makabalik sa season ni Mau Marcelo na maging champion uli,” ang payo ni Gary na nagpaiyak kay Marcelo.

Hindi nabigo si Marcelo sa pagsali nito sa Tawag ng Tanghalan dahil natalo niya ang defending champion na si Jehramae Trangia.

Pinakilala si Marcelo bilang Star Magaling ng Lucena City at nanalo ito dahil nakakuha siya ng score na 92.6% kumpara sa 90.6% ni Jehramae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN