Erich Gonzales is moved to tears for this reason

IMAGE Noel Orsal

Erich Gonzales on her sexy image now: "I guess kailangan din yung...rebranding, reinvention..."



Naging emosyonal at naiyak ni Erich Gonzales sa thanksgiving media conference ng The Blood Sisters na ginanap noong February 21 sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Bukod kasi sa mataas na ratings ng pinagbibidahang teleserye, positibo din ang feedback and reviews ng mga nakatutok sa TV show na pumalit sa Wildflower.

Nakadagdag din para maging mas emosyonal si Erich nang isa-isa siyang papurihan ng mga co-actors sa The Blood Sisters kung saan pinapurihan ng mga ito ang dedikasyon, sipag, at professionalism na nakikita nila sa Kapamilya star.

“Sobrang overwhleming lang talaga, nakakataba ng puso kasi naa-appreciate nila yung trabaho ninyo, napapanood nila, nagugustuhan nila, maganda ang feedbacks nila, yung mga reviews.

"Pag nababasa mo ang mga ganun, okay na, like yung pagod na napi-feel mo, okay, we’re doing this for them. We have a good show, thank you Lord. Sana magtuloy-tuloy.”

Anong reaction niya sa mga papuri na binigay sa kanya ng mga co-stars niya?

“Papuri? Unang-una yung mga co-actors ko, sobrang grateful din ako sa kanila. Like what I’ve said di lang ako ito, di ko ito magagawa without their help also, without their support. Nakakataba ng puso, di ko ine-expect yun, sabi ko parang may pa-tribute naman, grabe!

“I don’t know, sobrang grateful lang for their kind words talaga and tayo naman, wala, sa mga vetaran actors na kasama ko, dati mga napapanood ko lang sila sa tv tapos ngayon katrabaho ko na. Siyempre lahat pasasalamat lang ang nasa isip ko ngayon.”

Nagpapasalamat din si Erich sa mga manonood na sa dalawang linggo na tumakbo ang teleserye ay patuloy na tumututok sa istorya ng The Blood Sisters. Biro nga ni Erich sa presscon proper, ginusto niya ito kaya wala ibibigay niya ang lahat para magampanan ang tatlong karakter na ginagampanan.

“Unang-una, sobrang nagpapasalamat tayo dahil nagustuhan ng mga manonood ang Blood Sisters. Para naman ito talaga sa kanila, thankful talaga tayo sa mataas na ratings and sana patuloy nilang subaybayan yung kuwento ng triplets, sila Carrie, Erika, and Agatha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre dream project ko talaga ito, siyempre talagang pagtratrabahahuhan natin ito. We will do our best, not just only 100%, lahat na, wala ka ng ititira sa sarili mo.”

Sa mainit na pagtanggap ng publiko sa Blood Sisters, ngayon masasabi ni Erich na worth it ang lahat ng pagod at hirap na binibigay niya at ng mga kasama.

“Worth it lahat ng hirap naming lahat, pagod namin, di lang naman ako ito, di ito mangyayari without the help of my co-actors. Of course, nandiyan yung creative team, yung directors, yung production staff, everyone, behind the camera. Teamwork ito and we are all together in this project.”

Marami rin ang nakapansin na pagkatapos maging endorser ng Tanduay, mag-pose as cover sa Rogue Magazine, at gampanan ang tatlong karakter sa Blood Sisters ay naging mas kumportable na si Erich sa kanyang katawan.

“Siyempre you aim for progress, in this industry. I guess kailangan din yung...I don’t know kung ano ang tawag natin, rebranding, reinvention, kung anuman ang tawag nila dun.

"It’s very important, naggo-grow ka din, di lang yung paulit-ulit na nakikita nila sa iyo. For me gusto ko sana everytime na they see me, mayroon tayong may bagong ipapakita sa mga audience natin, sa mga viewers natin.”

Nang kumustahin namin ang love life niya, consistent pa rin ang aktres na hindi ito ang priority at focus ng oras at atensyon niya sa ngayon.

“Tinatanong ako about love life, sabi ko, you don’t need naman someone to complete you. You only need someone to accept you you completely, di ba?

"I think darating naman tayo diyan, di tayo nagmamadali. Sobrang commitment ko sa show na ito, sobrang committed ako sa Blood Sisters, lahat ng focus natin, yun ang priority natin. Trabaho, trabaho, trabaho.”

Sa dami ng magagandang nangyayari sa career niya sa ngayon, naniniwala si Erich na kung naging masalimout man ang tinakbo ng 2017 sa kanya ay napalitan naman ito ng mas maganda at positibong 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like what I’ve said you remember the lows, but bask in your highs, di ba? Sobrang daming nangyayari sa buhay ko ngayon, maraming lessons lang tayong natutunan. Its all just the past naman di ba? Focus on the now, things that’s been going on, mga blessings na dumarating.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN