Yassi Pressman dishes on breakup with Coco Martin in Ang Probinsyano



Regular na napapanood si Yassi Pressman sa ABS-CBN primetime series na Ang Probinsyano bilang si Alyana.

Marami ang nalungkot na sa itinatakbo ng istorya ngayon ay nakipaghiwalay siya kay Cardo,  ginagampanan ng bidang si Coco Martin, sa istorya.

Ayon kay Yassi, marami nga raw sa mga manonood ang nagagalit sa karakter niya.

Lahad niya, “Yung pag-take ng eksena bago namin kunan, nagtatawanan kami.

“Pero yung eksena talaga, mahirap siyang gawin kasi ang tagal na naming pinu-portray yung characters.

“Pati kami siyempre mahal namin si Alyana, mahal namin si Cardo.

“Masakit siya, yung nangyayari sa kuwento.”

Patuloy ng aktres, “Tingnan natin pero sa ngayon mukhang desidido si Alyana.

“Nung ikinuwento sa akin, siyempre nagulat ako kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.

“Yun lang, mahirap lang talaga sa dalawa, pero parehas naman kasi silang may dahilan.

“Si Alyana siyempre, para sa kanya, ipinaglalaban mo yung anak natin na wala na, paano naman ako?

“Nandito pa ako, nasa'n ka, wala ka na.

“Kay Cardo naman siyempre, ipinaglalaban niya ang anak niya and aside from that, ang dami pa niyang nalalaman. Siyempre gusto niyang itama, magkaiba sila.”

Ayon pa kay Yassi, “Madaming nagagalit sa nangyari.

“Maraming nagugulat siyempre pero marami rin ang nagsasabi na naiintindihan nila ang nararamdaman ng bawat characters.

“Halu-halo yung emotions nila, e. Nakakatawa, grabe, ang dami sa Twitter.”

Tinanong namin si Yassi na kung siya ba ang nasa ganitong kalagayan sa totoong buhay, handa ba siyang maghintay para sa pag-ibig?

“Siguro di pa ako nakarating sa ganun kahabang posisyon so di ko alam.

“Pero kung ako, ipaglalaban ko pa rin siya.”

May mga lumalabas na kuwento na maaaring hanggang sa 2019 pa raw mapapanood ang Ang Probinsyano. Bagay na kung magkakatotoo ay sobrang pinagpapasalamat naman ni Yassi.

“Ay maraming salamat kung gano'n, kasi kami bine-base lang din namin sa veiwers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpapasalamat kami na hanggang ngayon, sinusuportahan nila.”

Halata sa mga sagot ngayon nina Coco Martin at Julia Montes na mukhang naayos na kung anuman ang naging problema nila sa kanilang relasyon noon.

Masaya naman tungkol sa balitang ito si Yassi, na minsan na ring na-link sa aktor. 

“Wala akong alam talaga. Kung totoo talaga super happy.

“Everyone just deserves to be fulfilling their heart, to have a fulfilling life and work kung kaya parehas.

“Yun ang pinaka-okay.”

Nang tanungin naman namin kung may lovelife siya ngayon, zero ang sinagot sa amin ng aktres.

“Wala. Di kaya ng schedule din, iba talaga ang priorities ko ngayon sa life ko.”

Ngayong gabi, February 27, naging trending topic ang Cardo dahil sa episode na gumamit ng hashtag #FPJAPBugso. 

Ang mga netizens ay nag-tweet tungkol sa sakit na naramdaman ni Cardo (played by Coco) dahil sa date ni Alyana (played by Yassi) at ni Marco (played by JC Santos).

May mga nagbabansag sa love team ni Alyana at Marco bilang#MarYana.



Maraming netizens ang nag-tweet upang magbigay ng payo kay Cardo tungkol sa sitwasyon niya.



May humirit pa na gusto niyang ibalik si Maja Salvador sa Ang Probinsyano hindi upang gampanan ang kapwa police officer na si Glen kundi para gampanan si Lily Cruz!


Dahil sa tagal ng buhay ni Cardo, may isang theory ang netizen na ito: "Death Note na lang makakapatay kay Cardo."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN