Camille Prats admits being "big fan" of Jodi Sta. Maria

IMAGE Noel Orsal

Camille Prats on Jodi Sta. Maria: "I am a big fan of Jodi. Isa ako sa mga nanonood ng programa niya. I like her not only as an actress but also as a person."


Aware si Camille Prats na kung pagbabasehan ang premise ng kuwento at timeslot ng bagong morning serye na pinagbibidayan nila ni Neil Ryan Sese, ang Ang Forever Ko'y Ikaw, parang silang dalawa ang ginagawang mala-Jodi Sta. Maria at Richard Yap ng Kapuso network.

Ang tambalan nina Jodi at Richard ay unang nakilala nang magbida sila sa long-running morning serye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Magkatambal pa rin sila ngayon sa bagong morning serye ng ABS-CBN, ang Sana Dalawa Ang Puso Ko.

Lahad niya, "I'm thankful.

"Really, I am thankful because I am trusted with a project na ganito.

“Pangalawa, siyempre may kaba kasi I am a big fan of Jodi.

“Isa ako sa mga nanonood ng programa niya.

"I like her not only as an actress but also as a person.

“But I believe na marami namang audience.

“And you know, lahat tayo, itong GMA, having this morning slot, simple lang kami.

“Simple lang mahalin ang mga characters."

Ang goal lang daw nila ay makapagpa-kilig sa umaga lalo na sa mga katulad niya.

Aniya, "Lalo na nga sa mga kagaya ko na may mga pinagdaanang sakit sa buhay na minsan, hindi rin naman natin ginusto.

"There's nothing wrong with moving on, there's nothing wrong with moving forward."

PROUD OF NEW SHOW. Kahit bago pa lang ang tambalan nila ni Neil, naniniwala si Camille na may "laban" ang kanilang serye pagdating sa TV viewership.

Pagmamalaki niya, "May laban naman kami.

"I know that slot is very strong.

“Yun na ang slot nila dati pero ako, naniniwala ako na we really have something wonderful to offer.

"If there is one show na ginawa ko simula dati and that I am proud of, ito ang masasabi ko na programa na naging parte ko.

“Ibebenta ko sa lahat, ipagsisigawan ko na sobrang proud ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni Camille, "And the fact that the management believes na may laban 'to, sino ba naman kami to think na walang laban 'to?

"Ako, I really believe that we are in for something good, and that what we are offering is something worth their time and their oras para manood at mahalin."

HUMBLED. Sa isang banda, limang buwan pa lang ang anak ni Camille na si Nala sa ikalawang asawa niyang si VJ Yambao, kaya nagulat din daw siya nang alukin na siya ng GMA-7 na magbida sa Ang Forever Ko'y Ikaw.

Pag-amin ni Camille, "Actually, parang I am humbled by this project.

“Parang hindi ito ang unang project na naisip ko na matatanggap ko after giving birth.

"Kasi siyempre, I want to go back to my pre-pregnancy weight.

“Kaya nang i-offer sa aking itong show, parang naisip ko, 'Agad? Parang totoo po ba, dalawang buwan pa lang si Nala [her youngest daughter].'

"'Tapos na CS [caesarean section] ako, hindi ako puwedeng mag-workout.

“Hindi ako puwedeng mag-diet kasi I'm breastfeeding.

“Parang ang dami-raming naghahalu-halo sa isip ko na, 'Kaya ko ba? Kaya ko bang panindigan?'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN