Arianne Bautista warns of Georgia's vengeful wrath as Ika-6 Na Utos nears end

Kapuso actress-host Arianne Bautista to die-hard fans of the GMA-7 drama series, Ika-6 Na Utos: "Kung inakala nila na magtatapos sa kulungan si Georgia, think again, dahil mas lalo pa siyang lumakas! Maloloka sila sa mga gagawin pa ni Georgia!"


Nagkuwento ang Kapuso actress-TV host na si Arianne Bautista tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng top-rating daytime drama series na Ika-6 Na Utos.

Si Arianne ang gumaganap bilang si Selma, ang kaibigan ni Georgia (played by Ryza Cenon).

Ayon kay Arianne, hindi pa raw matatapos ang paghasik ng lagim ni Georgia sa kanilang teleserye.

Kahit na raw nakulong na si Georgia at na-torture na ito ng mga kasamang inmates, lalo pa raw lalakas ang pagiging masama nito at patuloy ang paghiganti nito kina Emma (Sunshine Dizon) at Rome (Gabby Concepcion).

“Kung inakala nila na magtatapos sa kulungan si Georgia, think again, dahil mas lalo pa siyang lumakas!

“Maloloka sila sa mga gagawin pa ni Georgia!” paninigurado ni Arianne nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Ang Forever Ko’y Ikaw sa GMA Network Center noong nakaraang March 2.

Si Arianne ang naging host/moderator ng naturang press conference.

GEORGIA'S REVENGE. Malaki raw ang kinalaman ng character niya kung bakit muling makakatakas si Georgia para maghiganti.

“Pareho kaming masamang damo ni Georgia, di ba? Kaya nga buhay pa ako, e.

“Basta magugulat na lang kayo sa pagiging indestructible ni Georgia!

“Papunta na po siya sa pagiging mutant!” malakas na tawa pa ni Arianne.

May two weeks pa raw tatakbo ang Ika-6 Na Utos at masasabi ni Arianne na sobra siyang maraming natutunan mula sa direktor nilang si Laurice Guillen.

PRICELESS LESSONS. Naikuwento noon ni Arianne na sa simula pa lang ng taping nila ng Ika-6 Na Utos ay napagalitan siya ni Direk Laurice dahil hindi niya makuha ang gustong pag-arte nito sa character niya.

Natakot nga raw si Arianne na baka ipatanggal siya ng award-winning lady director sa teleserye.

“From that time, talagang naging serious na ako sa pag-arte.

“Sa takot ko kay Direk Laurice at baka ipatanggal niya ako sa show, nagsumikap talaga ako and I showed her na serious ako sa trabahong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, matatapos na po kami at salamat sa Diyos at nandito pa rin ako.

“Siguro may nagawa na akong tama sa panlasa ni Direk Laurice,” natatawa niyang pahayag.

Isa nga raw sa natutunan ni Arianne ay ang huwag magmarunong at parating magtanong kung hindi niya alam ang gagawin sa isang eksena.

“Kapag may scene na hindi ko ma-gets, I always ask the help of Direk Laurice.

“Ayokong magmarunong.

“Ang maganda kay Direk Laurice, she will sit down with you to go over the scene.

“She will explain it sa paraan na maiintindihan mo, ang gusto niyang mangyari.

“Gusto kasi ni Direk Laurice na you seek her advice.

“Kasi aside from being an award-winning veteran actress and director, she wants to help new talents like me na nasa business na ito.

“Kaya naging smooth-sailing na ang working relationship ko with Direk Laurice.

“Kaya mami-miss ko siya nang sobra kapag nagpaalam na kami sa ere,” pag-amin ni Arianne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN