Kyline Alcantara flattered to have Pauline Luna-Sotto as an avid fan

Kapuso actress and Kambal, Karibal kontrabida Kyline Alcantara couldn't believe that Pauline Luna-Sotto is one of her avid fans: "Sobrang nagulat po ako sa mga reaksiyon nila, pinupuri po nila ako kung paano ako umarte."


Tagahanga ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang aktres at misis ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen Luna-Sotto.

Hindi raw nakaka-miss si Pauleen ng anumang episode ng GMA primetime teleserye na Kambal, Karibal dahil nahuhusayan siya sa pagganap ni Kyline bilang si Chesca.

Nag-post pa si Pauleen sa kanyang Instagram Stories ng selfie nila ni Kyline kung saan tinawag pa niyang Chesca si Kyline.

Nagkita sina Kyline at Pauleen kamakailan lang nang mag-guest si Kyline para sa isang episode para sa Lenten presentation ng Eat Bulaga.

WARM WELCOME. Nagkuwento naman si Kyline tungkol sa unang pagkakataon na magkaharap sila ni Pauline, kunsaan naramdaman niya agad ang mainit na pag-welcome sa kanya nito.

Hindi raw niya inakala na ang isang tulad ni Pauleen ay aminadong tagahanga niya.

“Pagkadating na pagkadating ko po sa set, sobrang na-overwhelm po ako sa pag-welcome nila sa akin lalo na po ni Ms. Pauleen Sotto.

“Nakahiga siya 'tapos napatayo siya 'tapos sabi niya, ‘I'm a fan!’

“Sabi ko, 'Nanonood po pala ang isang Pauleen Sotto ng Kambal, Karibal,'” masayang kuwento ni Kyline sa GMA news program na 24 Oras.

Hindi lang si Pauleen ang super fan ni Kyline.

Pati ang buong production staff ng taping nila ay mga avid televiewers din ng Kambal, Karibal.

Inaabangan daw nila parati ang mga masamang gagawin ng character niyang si Chesca kay Crisan, na ginagampanan ni Bianca Umali.

“Sobrang nagulat po ako sa mga reaksiyon nila, pinupuri po nila ako kung paano ako umarte,” ngiti pa ni Kyline.

Bukod kay Pauleen, kasama rin ni Kyline sa naturang Lenten episode sina Ruby Rodriguez, Luane Dy, Sinon Loresca at Kenneth Medrano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN