Neil Ryan Sese gets makeover, glam team for leading man role in Ang Forever Ko'y Ikaw

IMAGE Noel Orsal

New Kapuso leading man Neil Ryan Sese talks about his stylish makeover for his role as Lance in Ang Forever Ko'y Ikaw: "Kaya sa teleserye, iba yung look na binigay nila sa akin. Yung modern dad na maporma. For the first time nga, binigyan ako ng stylist na nag-aayos ng look ko sa mga eksena."


For the first time ay binigyan ng sarili niyang stylist at groomer ang bagong romantic leading man ng GMA-7 sa teleserye na Ang Forever Ko’y Ikaw na si Neil Ryan Sese.

Gumaganap si Neil bilang si Lance, isang hip and cool dad.

Ang Hollywood actor na si Robert Downey, Jr. daw ang peg niya para sa character na ito.

“Ang binigay kasi na character study for Lance ay workaholic siya and he’s separated.

“May anak siyang teenager na lalaki and he tries to be a cool dad para maintindihan niya ang mga ginagawa ng anak niya.

“Kaya sa teleserye, iba yung look na binigay nila sa akin.

“Yung modern dad na maporma.

“For the first time nga, binigyan ako ng stylist na nag-aayos ng look ko sa mga eksena.

“Before tine-text lang sa akin ang costume requirements.

“Ngayon pagdating ko sa set, may nag-aayos na sa atin.

“May sarili din akong groomer para consistent yung look ng character ko.

“Pati itong bigote at balbas ko, binabantayan,” kuwento pa ni Neil sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng Ang Forever Ko’y Ikaw sa GMA Network Center last March 1.

FROM KONTRABIDA TO LEADING MAN. Hanggang ngayon daw ay hindi makapaniwala si Neil na kinuha siyang maging romantic lead opposite Camille Prats-Yambao para sa isang feel-good romcom serye na pang-umaga.

Hindi raw kasi ito ang roles na nakasanayan niyang gawin noon.

“Akala ko talaga nagbibiro sila. 'Ginu-goodtime ba nila ako?'

“Kasi nga nasanay na tayo sa mga roles ko na salbahe, bastos, mamamatay-tao, rapist… basta kontrabida.

“And happy ako sa mga gano’ng roles kasi napaglalaruan ko ang maging kontrabida.

“Pero noong ibigay sa akin ang role na ito, parang ‘Serious ba kayo? Ako magiging leading man?’

“Kaya hanggang ngayon, di ako makapaniwala.

“Kaya ang laki ng pasasalamat ko sa GMA-7 kasi sa edad kong ito [38 years old], hindi ko akalain na mararating ko pa ang leading man status.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan nga kinukurot ko ang sarili ko para magising ako.

“E, ramdam ko ang kurot kaya gising naman ako. Totoo pala itong nangyayari sa atin,” tawa pa ni Neil.

SUPPORTIVE FRIENDS. Natutuwa naman si Neil sa suporta ng mga nakatrabaho na niya sa mga teleserye.

Tumutulong daw sila sa promo ng teleserye nila ni Camille via social media.

“Nakakatuwa nga sila Rocco [Nacino], Ruru [Madrid]… kinakantiyawan nila ako na ‘Uy, leading man na siya!’

“'Tapos, sila pa yung nagpu-post sa IG at sa Twitter na abangan ang teleserye namin ni Camille.

“Nakakataba ng puso kasi you have friends na very supportive sa industry na ito at yung happy para sa iyo dahil sa nangyayaring kakaiba sa career mo,” lahad niya.

THANKFUL TO LATE DIRECTOR. Malaki ang tinatanaw na utang na loob ni Neil sa pumanaw na direktor na si Maryo J. delos Reyes.

Bukod sa pagiging manager niya, para na raw pangalawang ama na niya si Direk Maryo na malaki ang kinalaman sa magandang nangyayari sa showbiz career niya.

Huling pag-uusap daw nila ng yumaong direktor ay ang tungkol sa teleserye na Ang Forever Ko’y Ikaw.

Pinagsabihan pa raw siya na magpaguwapo at magpa-macho para sa role niya bilang si Lance.

“Si Direk Maryo talaga ang nag-push sa akin na subukan ang maraming roles.

“Siya ang dahilan kung bakit nakilala ako bilang si Simon sa Munting Heredera.

“Ngayon after ng mga villain roles ko, heto nagkaroon tayo ng pagkakataon na magbida sa Ang Forever Ko’y Ikaw.

“I owe all of this to Direk Maryo.

“Kung hindi sa pangangalaga niya, siguro baka hanggang teatro at paggawa ng mga indie films lang ako.

“I grew as an artist sa industriyang ito dahil kay Direk Maryo.

“Dahil sa kanya, kahit paano ay nakilala ako sa mga teleserye and hopefully, matuwa sila sa akin sa feel-good teleserye namin ni Camille,” panalangin ni Neil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN