Gabby Eigenmann comments on Contessa taking over timeslot of Ika-6 Na Utos


Aminado ang GMA-7 actor na si Gabby Eigenmann na hindi madali at may pressure talaga na ang bago nilang afternoon prime na Contessa ang papalit sa time-slot ng magtatapos na Ika-6 Na Utos.

“Napaka-succesful, napakataas ng rating, napaka-tagal na soap! Wow! Ano pa ba ang isasagot ko run?” ang natawang pagpapatuloy na ni Gabby sa itatanong pa lang sana namin sa kanya kung may pressure nga silang nararamdaman.

Sabi naman niya, “Parang déjà vu lang ‘to. Kagaya ko, looking back nung ginagawa ko ang My Love from the Star, pressure at ang expectation kasi nga, we’re adapting a hit telenovela.

“So, kapag tinanong ako kung ine-expect ba sa amin na mahigitan sila or pantay ba or baka magreklamo ang mga fans ng koreanovela dahil ginaya-gaya namin pero hindi naming magaya ng tama. Okay, pressure, nandun na.

“With this one, we’re replacing a strong soap-opera which is original. Siyempre, from GMA, naging successful. Pero noong ginagawa naman nila ang Ika-6 Na Utos, hindi naman nila ine-expect na magiging successful and kami na we’re replacing a very successful show, pressure talaga yun.

“Pero dapat ang ano namin, which we all just feel the same that let’s just do our part or pagbutihin na lang natin and let’s not expect. Baka at the end of the day, mag-reflect yun sa kung paano namin ie-execute na dapat ganito, ganyan kasi ang bigat ng papalitan natin.”

Palagi raw silang nag-uusap ni Glaiza at sinasabi niyang huwag na lang itong mag-alala dahil ang Ika-6 Na Utos, hindi rin nila alam noong una na magiging phenomenal.

May pressure rin ang network sa kanila bilang ang Contessa ang napiling ipalit?

“Of course, may pressure but it’s a supposed to be a healthy pressure. Kapag ang mindset mo, kailangan malakas din ang impact mo kasi malakas ang impact nung ending na papalitan mo, I don’t think it goes naturally, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanilang dalawa ni Glaiza, siya ang kontrabida ngayon sa Contessa hindi katulad sa huling pinagsamahan nila na Dading na siya talaga ang title role.

Mas nakikita ba niya na ang pressure ngayon ay nasa balikat ni Glaiza?

“It’s not the same—pero pressure rin kasi, we’re all here supporting Glaiza. Kung hindi man niya marating, magre-reflect yun sa amin bilang suporta niya. Ang success naman niya, success naming lahat, e.

“It cannot be downfall niya lang, so bitbit niya kami pero buhat-buhat din namin siya.”

Naging sobrang malapit sa isa’t-isa sina Gabby at Glaiza nang magkasama sila sa Dading, simula noon, wini-wish na nila na magkasamang muli sa magiging teleserye nila sa Kapuso network.

Hindi nga raw natiis ni Gabby na hindi ibalita agad kay Glaiza nang malaman na kasama siya sa Contessa.

“Na-excite ko noong kasama ko run at inalam ko agad kung sino talaga ang makakasama ko. Sino pa ang mga sure na cast, ganyan. Alam kong siya, hindi ko natiis.

“Dapat surprise sana sa story con, e, tinawagan ko agad. Sabi ko, ‘eto na! Nabuhayan na siya. Kasi, ang tagal ng transition niya from Pirena to kailangan ba magsisimula ang Contessa. So ako ang nagbabalita sa kanya na, ‘eto na, malapit na.

“Gayundin kay Geoff [Eigenmann], ako rin ang nagbalita sa kanya. Pati si Lauren Young, natuwa ako na magkakasama ulit kami kasi sa Mundo Mo’y Akin, anak ko siya at ngayon, kapatid ko. Kaya tinext ko na, guess what,” natawang kuwento niya.

Dugtong pa niya, “It’s like a reunion of everything.”

Nakikita namin kung gaano kalapit sina Gabby at Glaiza.

Bakit nga ba naging malalim ang pagiging magkaibigan nilang dalawa?

“Siguro yung pagiging genuine bilang magkaibigan,” saad ni Gabby.

“Hindi kami nagpa-plastikan. And I’m very open nu’ng ginagawa ko ang Dading. Katulad ng sinabi ko, never akong naka-experience na you make my job easier.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong mawala yun,” saad niya.

“Kaya kapag may sarili akong proyekto o may sarili siyang proyekto, we always keep in touch. Medyo ganito, medyo ganyan. Ganito gawin mo. Same thing sa kanya. Hindi naman nagku-compare ng trabaho, pero nagtutulungan kami.”

Pati personal din?

“Oo naman,” natawang sagot niya.

Sabi pa ni Gabby, “Si Glaiza, alam naman ng lahat na malalim ‘yan. She just turned 30 pero ang puso’t-isip niya, nasa early 20’s pa rin. Baby pa ‘yan. Hindi nene ha, baby pa talaga.

“But now that she’s exploring life on her own, as it is that she’s thirty, sabay-sabay, sunod-sunod. Unti-unti na rin lumalabas na may tiwala ang parents niya. Late-bloomer. Ngayong thirty na, ngayon pa lang siya nag-e-explore kaya the more na dapat alalayan pa rin.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN