Piolo Pascual on pinch-hitting for John Lloyd: "Yung two weeks na sinabi sa akin, pang-fifth month ko na."

IMAGE Noel Mangalonzo


Kumpirmado na ipo-produce ng Spring Films ang pelikula tungkol sa naging buhay ng mga kababayan natin sa Marawi siege.

Kukunin ba ng Spring Films ang ilan sa mga mahuhusay na aktor sa ngayon gaya nina JM de Guzman, Carlo Aquino, at Daniel Padilla?

Tinanong namin si Piolo Pascual tungkol dito at ito ang sagot ng actor na isa sa co-owners ng Spring Films:

“Mahirap siya, mahirap but you know it’s an advocacy, nobody is getting paid for this project but it’s one way of giving back to the industry for them to really know what happened and to show for the entertainment industry para maging mas aware sila dun sa nangyari sa Marawi.

"Lahat talaga kami dito tulong-tulong and sana magawa naming maganda kasi it’s part of history.

“We’re auditoning, we’re auditioning actors, we’re auditioning people from Mindanao. This movie is not about actors, this movie is about the history, about what happened in Marawi. Ang priority namin talaga dito is mapaganda yung istorya, mapaganda yung script na sana mapaganda din yung execution ng pelikula.”

Sa June pala ang target date na showing sana ng nasabing pelikula pero hindi ito matutuloy dahil na rin sa kagustuhan nila na lalo pang mapaganda ang script ng Marawi movie.

“Originally, we wanted to show it on June but because of the script, mahirap namang biglain mo. Today nag-meeting sila with the director and the writer, nandun kami sa revision after ipadala yung first draft, ni-revise ngayon, drinaft uli, ngayon dire-diretso habang nagro-roll kami ng auditions. Talagang gusto naming maging malinis, mahirap kasi mahal siya. Kailangan sigurado ka na maganda yung ilalabas mo na produkto.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Piolo sa Star Magic coffee table book launch sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang episode ng Home Sweetie Home ay nagpaalam si Piolo sa istorya kaya inakala ng iba na mawawala na siya sa sitcom. Agad namang klinaro ito ng Kapamilya actor.

“No, they just presented a new concept, we’re adding a new character, suprise yun.

"Yung two weeks na sinabi sa akin, pang-fifth month ko na and I’m having a good time because kasama ko si Tin [Toni Gonzaga] and it become a family as well.

"Hangga’t walang directive from the management, we’re staying on."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN