Ogie Alcasid borrows wife Regine Velasquez's Hermes, Chanel bags for his Home Sweetie Home character

IMAGE Noel Orsal

Masayang-masaya si Ogie Alcasid na muli siyang gagawa ng sitcom dahil dalawang taon daw siyang hindi naka-arte sa telebisyon. 



Mapapanood na si Ogie Alcasid simula Sabado, March 17, sa bagong bihis na Home Sweetie Home ng ABS-CBN.

Gagampanan ni Ogie ang karakter ng kambal na sina Ireneo at Irenea bilang kabahagi ng selebrasyon ng ika-apat na taong anibersaryo ng show.

Si Ogie ang karagdagan sa lumalaking pamilya ng show nina Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Rufa Mae Quinto, Sandy Andolong, Miles Ocampo, at iba pa. 

Kuwento pa ng singer-comedian, “I’m very excited, I’m thrilled,and at the same time I feel blessed to be part of Home Sweetie Home.”

Matagal nang gusto ni Ogie na muling makagawa ng sitcom simula ng umalis siya sa GMA at lumipat sa TV5 at ngayon sa kanyang pagbabalik-Kapamilya.

Kuwento pa niya, “Actually madami kaming niluluto, pero ito yung nagkaroon ng buhay.

“When it was offered to me, yung team pinakita sa akin yung character development, and at the same time how I was going to be included in the set, na-excite kasi siyempre ang Home Sweetie Home is an established and well-loved sitcom.”

Hindi na rin bago sa kanya ang pagganap ng iba’t-ibang karakter sa sitcom dahil nagawa na niya ito sa halos dalawampung taon niyang kabahagi ng Bubble Gang ng GMA.

Lahad pa niya, “Hindi naman. Naawa nga ako sa kanila [cast and crew] kasi sila yung naghihintay sa akin.

“But ang tagal ko ring hindi ko nagawa, two years din so na-miss ko rin yung pag-arte, paggawa ng characters, nakakatuwa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa set visit ng show na ginanap noong Martes, March 13, sa ABS-CBN compound, Quezon City.

SUPPORTIVE WIFE. Ang kambal na karakter ni Ogie ay magkalayung-magkalayo ang ugali at postura.

Paliwanag pa niya sa karakter niyang sina Ireneo at Irenea, “The guy has a Visayan accent, and the girl parang pa-millennial na Assumption-ista na hindi mo maintindihan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Ogie, nanghihiram pa daw siya ng mga gamit ng asawang si Asia’s Songbird Regine Velasquez upang authentic at branded ang mga gamit ni Irenea sa show.

Natatawa pa niyang kuwento, “Yung babae, hiningan ko pa ng mga damit si Regine na mamahalin.

“Tapos yung mga bag niyang mga Hermes at Chanel yun yung mga ginagamit ko para [sa mga eksena]… huwag ko daw iwala.”


Who wore it better? ???????????? #selfie

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN