Newbie Kira Balinger reveals ABS-CBN actors she wants to work with in the future

Seventeen-year-old Kira Baringer believes accepting daring roles at this time will not help advance her acting career: "I don't want to be remembered for doing those daring roles."


Sa kabila ng mga papuri na natatanggap ng teen aktres na si Kira Balinger, hindi pa daw siya handang sumabak sa mga daring roles at gumawa ng mga daring na scenes.

Pahayag niya, ”I’m only 17, I’m a minor, like sa Ipaglaban Mo, hindi pwede yung mga daring scenes.

“I need to be careful with the roles that I choose, that include those kinds of scenes."

Giit pa niya, "'Di po talaga pwede. As of now, not yet!

“I want to maintain a good reputation and not only that but for general reasons. 

“I don’t want to be remembered for doing those daring roles.

“I just want to be remembered as a good actress.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kira sa trade launch ng mga new shows ng SMAC Television Production na ginanap sa SM North Edsa Skydome. 

MALE PARTNERS. Samantala, pagdating sa pagkakaroon ng ka-love team, proud na proud na sinabi ng batang aktres na willing siyang makatrabaho kung sino man ang ibigay sa kaniya ng ABS CBN. 

Saad niya, “I’m open to work with anyone they [management] think I could work with.

“I will try my best to make it work as much as possible.”

Sa mga Kapamilya male stars, sana raw ay makatrabaho niya sina Ryle Santiago at Donny Pangilinan.

“Si Ryle, siya yung pinaka close ko and may tiwala naman ako sa kanya.

“Super respectful niya and I’ve seen how he acts as well, nangungusap ang kayang mga mata.

“I want to learn how to do that and feel ko madami akong matututunan sa kanya.”

“Donny, may ginawa po kaming digital [project] and mabait din po sya,” lahad niya.

Pero ang kapareha ni Kira sa movie na A Lasting Love ay si Justin Lee.

“Okay din siya,” sambit ng batang aktres, “sana makatrabaho ko din siya sa isang teleserye.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEARNING STAGE. Sa pagdami ng mga proyekto ni Kira, mas dumadami din ang mga artista na nakakasalamuha niya.

May pagkakataon na ba na nasungitan siya ng ibang artista?

Mabilis ang naging sagot niya, “So far, wala naman pong ganyan…

“If ever there is, I would prefer to respect them na lang.

"Kasi syempre, they’ve been in the industry longer.

“It’s always good to respect them and to learn from them as well.

“So i-deadma na lang kung maldita sila.”

Ayon pa kay Kira, madami pa siyang dapat matututunan pag dating sa pag-arte.

Sabi niya, “I’m very honored… pero syempre, there’s always room for improvement; there’s always room for learning.

“It doesn’t stop there, there’s no such thing as good or excellent. You can always be better than your last work.”

Sa huli, masayang sinabi ni Kira na sobrang blessed siya sa dami ng mga biyayang natatanggap niya ngayon.

“I’m very happy with the career I have right now and I’m still growing.

“I’m very thankful to those people who mold me, who take time to critique me, who mentor me as well.

"I’m very blessed.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN