Bianca Umali on Kambal, Karibal: "Hindi po kami nag-expect na magri-rate..."

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali (on photo) said they did not have any expectations regarding the ratings performance of Kambal, Karibal. Creative consultant Suzette Doctolero said about their show: "Dalawang malalaking Goliath na ang itinumba."


Sobrang ipinagmamalaki ng GMA-7 star na si Bianca Umali ang primetime series na pinagbibidahan nila ng ka-loveteam niya na si Miguel Tanfelix, ang Kambal, Karibal.

Ipinapalabas na ang mga eksena kunsaan, sumobra na ang kasamaan ng karakter ni Pauline Mendoza at nagawa na siyang ihulog sa bangin. Marami pang ibang rebelasyon ang pinakita sa Kapuso teleserye na ito.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa GMA Network noong March 10, abot-abot ang bilin nito na panoorin ng mga manonood ang teleserye nila.

Aniya, “Ang ganda po ng nangyayari. I’m very, very proud and happy sa proyekto naming ‘to. Kahit kami, hindi namin inakala na darating sa puntong yun ang Kambal, Karibal.

“Please watch, please,” nakangiting sabi ng Kapuso actress.

Nagwagi raw sa ratings at nag-trending din ang episode ng Kambal, Karibal noong March 13.

Nagugulat din ba siya sa reaksyon na nakukuha nila?

“Opo naman because unexpected. Unexpected pong talaga. Before we started, hindi po namin inexpect. Hindi po kami nag-expect na magri-rate or hindi magri-rate, wala pong ganun.

“Basta ang mindset ko lang po is to give the show a chance because you’ll never know. Tapos ito na nga po. Very unexpected,” pag-amin niya.

Marami ang nakakapansin sa 15-year-old na kontrabida nila sa Kambal, Karibal na si Kyline Alcantara. Parang naging break ng bagong Kapuso star ang teleserye nila.

May mga netizen din na nagkukumpara na kina Kyline at Bianca. Nararamdaman niya ba ito na parang may kumpetisyon sa pagitan nila?

“No, hindi po kasi ako ganun, e,” saad ng aktres na bahagi ng BiGuel love team.

“Kahit po sa ibang mga bagay, hindi po ako ma-compare. Feeling ko, parang hindi naman po kailangan. Kung ano po ako, yun po ang mga kaya kong gawin. Iba rin naman po ang ibang tao.”

Ang creative consultant ng Kambal, Karibal na si Suzette Doctolero ay binahagi rin ang kanyang kasiyahan sa ratings performance ng kanilang show laban sa ABS-CBN rivals nito.

Nag-post si Suzette ng picture sa kanyang Twitter account na may caption na: “Dalawang malalaking Goliath na ang itinumba. Salamat mga kapuso!”

Kita sa picture na ang NUTAM PPL rating ng Kambal, Karibal ay 10.6% samantalang ang TV rating ng Bagani ay 10.3%.

Ang dalawang tinutukoy na Goliath ni Suzette ay ang bagong Kapamilya show na Bagani at ang predecessor nito, ang fantaserye na La Luna Sangre na natalo rin dati ng Kambal, Karibal.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Suzette ng litrato ng cake na may mensaheng nakasulat: "Congratulations Team Kambal Karibal."

Ito naman ang sinulat na caption ng consultant: "Pagbigyan nyo na kami. Masaya lang na kahit mas maliit na production, kahit mas mura, kahit mas di kilala ang mga batang artista, ayun, nangagat, tapos ngayon, lumaban. Di namin akalain. Di namin inaasahan. Proud lang kasi malaki ang binangga namin. Puso! Salamat!"  








ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN