Matteo Guidicelli sees no issue over his mixed lineage: "I'm half-Italian but I'm very Filipino."

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli to netizens making an issue out of his mixed lineage: "Yeah, I'm half-Italian but I'm very Filipino. I'm always proud to represent the Philippines in all ways possible. I'm an actor also, I'm portraying a role. It's something to be proud of to be a Filipino."


Bukod kina Liza Soberano at Enrique Gil, nakukuwestiyon din ang nationality ni Matteo Guidicelli sa pagkakapili nito bilang Lakam sa fantaseryeng Bagani ng ABS-CBN.

Dahil si Matteo ay half-Filipino at half-Italian, hindi raw siya purong Pinoy tulad nina Liza at Enrique.

Read: Liza Soberano, Enrique Gil react to those questioning their nationality upon being cast in Bagani

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matteo sa nakaraang thanksgiving presscon ng Bagani na ginanap sa Dolphy Theater noong nakaraang March 15, siniguro naman ni Matteo na para sa kanya ay isa siyang tunay na Filipino at di na ito dapat kuwestiyunin ito ng kahit na sino.

Pagklaro niya, “Yeah, I’m half-Italian but I’m very Filipino.

“I’m always proud to represent the Philippines in all ways possible.

“I’m an actor also, I’m portraying a role.

“It’s something to be proud of to be a Filipino.”

DIALOGUE. Nagkaroon ng diyalogo kamakailan ang Commission On Higher Education, House of Representatives Committee on Indigenous People, ang ilang leaders ng indigeneous people at ang ABS-CBN at dito ay naayos ang problema at nalinaw na in good faith ang paggamit ng Bagani bilang titulo ng naturang fantaserye.

Read: ABS-CBN, Commission on Higher Education find common ground regarding Bagani

Nakahinga naman nang maluwag si Matteo na natuldukan na ang isyung ito tungkol sa pinagbibidahan niyang show.

Ayon sa aktor, proud siya na napabilang siya sa maituturing na isa sa pinakamalaking proyekto na ginawa ng Kapamilya network.

Lahad niya, “Of course, I’m happy.

“That news is good news for the show.

“The Bagani team explained their part and everything is okay, everything is fine.

“It’s a fantaserye which is beautiful, we worked so hard for it.

“Very nice, very honored, it’s the biggest teleserye, biggest soap of ABS-CBN and I'm very honored and blessed to be part of this big show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is the project I’m very, very proud of because everybody works so hard for this and everyone is good.

“They've conceptualized this for more than five years.”

Ayon kay Matteo, marami pang dapat talagang abangan sa Bagani.

“Marami pa, sobrang laki ng kuwento na mangyayari.

“Fight scenes, drama scenes, this soap is huge.

“This soap is like first of its kind here on Philippine TV,” pagmamalaki niya.

SISTER'S BIRTHDAY. Nag-birthday kamakailan ang kapatid ni Matteo na si Georgia Guidicelli at lumabas ang mga larawan kunsaan kasama nila sa selebrasyon si Sarah Geronimo, ang girlfriend ni Matteo.

Marami ang kinilig dahil kitang-kita raw na bukod sa maayos ang takbo ng relasyon nina Matteo at Sarah ay tanggap talaga ng pamilya Guidicelli ang Pop Princess.

Kuwento ni Matteo, “Okay naman, magkakasama kaming lahat doon. Maayos naman.

“Yeah, okay naman. Everything is good, everything is steady but we’re busy.

“I’m busy with the soap, I just opened a restaurant last week, so busy.”

LACK OF TIME NOT AN ISSUE. Dahil pareho silang busy sa kani-kanilang mga showbiz commitments, hindi ba isyu kina Matteo at Sarah ang kawalan ng oras para sa isa't isa?

“Of course, there’s always time for everything.

“We see each other when we can.

“We understand naman our work and our work hours.”

“She’s very supportive. She’s always there for me, okay naman.”

ATTENDING SARAH'S CONCERT? May upcoming concert si Sarah sa April 14, ang This Is Me na gaganapin sa Big Dome para sa 15th anniversary ng career ng singer/actress.

Tinanong namin si Matteo kung manonood ba siya para magbigay suporta sa girlfriend.

Aniya, “Hopefully. I’ll be there, hopefully.

“It’s sold out, I’ll try to get a seat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN