Alden Richards joins all-star Kapuso shows in US, Canada

IMAGE Noel Orsal

Pambansang Bae Alden Richards looks forward to GMA-7's forthcoming concert tours in New Jersey and Toronto, Canada on April 7 and 8: "Second leg na po ito ng first concert. Kasi naging successful po yung first. Kumbaga Sikat Ka, Kapuso 2 na 'to."


Muling aalis ang Pambansang Bae na si Alden Richards para sa out-of-the country show ng Kapuso network, ang Sikat Ka, Kapuso.

Excited si Alden dahil pagkatapos ng Holy Week, may isang linggo naman siya sa New Jersey at Toronto para sa shows nila on April 7 and 8.

Ayon kay Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA-7 noong March 15, “Second leg na po ito ng first concert.

“Kasi naging successful po yung first.

“Kumbaga Sikat Ka, Kapuso 2 na ‘to.”

Ang first leg ng Sikat Ka, Kapuso ay naganap noong first quarter ng 2017.

STAR-STUDDED SHOW. Mas nakadagdag daw sa saya at excitement ni Alden noong malaman niyang makakasama niya sa show ang mga Kapuso stars na iniidolo niya.

Kabilang dito sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Betong Sumaya at Dingdong Dantes.

Lahad niya, “Parang ang sarap ibalik ng sarili ko na magkakasama kami before.

“Bumalik ka sa roots at nakaka-miss din po na makasama sila.

“And ito rin po yung chance na mapasaya ang mga Kapuso natin.”

STILL HUMBLE. Hindi nawawala kay Alden ang pagiging humble niya sa kabila ng kanyang kasikatan.

Sabi nga namin sa kanya, halos kasing-sikat na rin niya ang mga artisting tinitingala niya at masasabing isa na rin siya sa mga prime stars ng GMA-7.

Ayon naman kay Alden, “Ako po, basta I always look up to seniority.

“Dun pa rin ako sa kung sino ang nauna, ang mas matagal sa akin dito sa industriya.

“It’s still an honor every time na makasama ko ang mga senior ko rito sa industriya.”

Maging ang mga kapwa niya Kapuso ay masaya sa kanya at sinasabing hindi pa rin siya nagbabago ng ugali.

Natutuwa ba siya kapag naririnig niya ang mga ganung komento sa kanya?

Pagsang-ayon niya, “Opo, naman.

“Masarap pong pakinggan kasi parang sila po yung reality check.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre hindi mo naman masasabi sa sarili mo kung ano ka, ibang tao ang magsasabi.

“Hindi mo puwedeng i-claim ang attitude na, 'Hindi, ganun pa rin ako.'

“Siyempre, sila po ang magsasabi nun.

“At sa mga sinasabi nila, I’m very happy dahil masasabi kong tama pa rin po ang track na tinatahak ko.”

NEW TELESERYE. Sa pagbabalik ni Alden mula sa kanilang U.S. show sa darating na abril, tuluy-tuloy pa rin daw siya sa Eat Bulaga at Sunday PinaSaya.

Kinumusta rin namin sa kanya kung matutuloy na ang sinasabing pagbabalik niya sa primetime sa isang teleseryeng pagbibidahan niya.

Paglinaw niya, “Hinihintay po natin ang details kung ano po ang magaganap.”

Hindi naman itinanggi ni Alden na excited siya kung sakali at matutuloy nga ito.

Pag-amin niya, “It’s been a while since I’ve acted in a soap. My last was Destined to be Yours.

“Nakaka-miss po talaga kasi, dun ako nagsimula.

“No matter what people say and whatever they want, it’s still where I came from.

“So bumabalik lang ako sa kung saan ako nagsimula at kung saan talaga ko nakilala as Alden Richards.”

May mga nasusulat na bagong Alden Richards daw ang mapapanood sa kanya sa sinasabing primetime series na gagawin niya?

“Sana po.

“Tingnan muna po natin ang story,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN