JM de Guzman lauds co-star Barbie Imperial's acting mettle

JM de Guzman on his Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi co-star Barbie Imperial: "Sobrang gaan. As an actress, bukas na bukas siya, di siya mahirap makatrabaho. Naghihilahan kami pataas, nagtutulungan kami."


Sa ngayon ay abala si JM de Guzman sa taping ng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, kunsaan makakapareha niya si Barbie Imperial.

Papuri naman ang binitawan ng aktor para kay Barbie dahil sa pagiging propesyonal at dedicated nito nito sa trabaho.

Kuwento niya, “Ginagawa na namin, patapos na kami sa pilot [episode].

“Sensual, sexy, mysterious, drama and romance—mix of everything siya, so challenging.

“Sobrang gaan.

“As an actress, bukas na bukas siya, di siya mahirap makatrabaho.

“Naghihilahan kami pataas, nagtutulungan kami.

“As a friend, sobrang kulit. Pag walang take nagkukulitan kami.

“Ang maganda sa amin di kami nagpapagalingan.

“Ganun din ang gusto ni Direk Ted [Boborol], we bring out truth dun sa story, yung truth lang ang lalabas.

“Hindi yung, 'Eksena ko ito.'

“Yung totoo lang para lalong makarating sa audience.”

STORY. Ibinahagi sa amin ni JM kung ano ang tatakbuhin ng istorya at kung ano ang dapat abanagan sa pinagbibidahang serye.

Patuloy niyang kuwento, “Fate na nagpagtagpo yung dalawang characters dahil sa trabaho.

“Medyo di nila gusto ang isa’t isa at first pero malalaman nila kung bakit pinagko-connect sila ng fate.

“May connection yun sa past nilang dalawa, sobrang bigat siya sa personal na buhay ng dalawang karakter.

“Mai-inlove sila sa isa’t isa pero yung past na yun na connected sila na mare-reveal na, yun ang magiging conflict sa story.”

NO INHIBITIONS. Sexy at sensual ang istorya ng Araw Gabi, pero sa kabila nito ay wala namang naging problema sa set ng serye dahil game at propesyonal ang magkapareha.

Lahad ni JM, “Wala naman siyang inhibitations.

“Mararamdaman mo sa kanya, 'Ah, break ko ito, pagbubutihan ko.'

“We’re doing our best naman para makapag-contribute sa team effort ng lahat.”

NO PROBLEMS WITH BARBIE'S BF. Boyfriend ni Barbie ang aktor na si Paul Salas. Hindi naman daw ito nakakaramdam ng selos dahil sa mga love scenes nina JM at Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Hindi siya dumadalaw sa set pero si Paul madalas kong ka-text, ka-chat ko sa Instagram.

“Selos? Hindi, maiintindihan naman niya.

“Bata pa lang si Paul, katrabaho ko na siya sa Mula Sa Puso, kapatid ko siya.”

TADHANA PART 2. Tinanong din namin si JM kung totoo ba na may part 2 daw ang That Thing Called Tadhana, ang Cinema One Originals film na pinagbidahan nila ni Angelica Panganiban na naging blockbuster hit.

Pakli niya, “Sabi ni Direk Tonet [Antoinette Jadaone], sinusulat niya na raw.

“Nakapag-start na pero di pa tapos.

“Excited ako, sobra kasi ang ganda talaga ng movie na yun.

“Ending? Puwede ring happy ending, puwede ring huwag muna, para may part 3.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN