Three Pinoy contestants compete in design reality show The Apartment: Passion for Design

Three Filipino interior designers, (L-R) Stephanie Dods, Eugene del Rosario, and Jesy Cruz, are set to compete in the sixth season of Sony Channel's design reality show, The Apartment: Passion for Design, which premieres on March 22, 2018.



Tatlong Pinoy ang nakasali at makikipaglaban sa iba’t ibang contestants in Asia sa sixth season ng reality design competition show na The Apartment: Passion For Design.

Ito ay eere sa Sony Channel simula March 22.

Pagkakataon ito ng tatlong Pinoy contestants para maipakita ang husay nila sa interior design at mapanalunan ang premyo na isang luxurious UMLand apartment located sa D’Lagoon in Iskandar, Malaysia.

Ang unang Pinoy contestant ay ang former beauty queen at fashion designer na si Stephanie Dods.

Pinanganak sa New Zealand si Stephanie at nagtrabaho ito sa Australia bilang fashion buyer at designer.

Nakilala rin ang Pinay-Kiwi kamakailan bilang fiancée ng aktor at TV host na si KC Montero.

Nanalo bilang Miss Teen New Zealand si Stephanie noong 2006. Ni-represent din niya ang New Zealand sa Miss World 2007.

Ang pangalawang Pinoy contender ay si Eugene del Rosario na isang interior designer.

Nakapagbiyahe na si Eugene sa 51 countries at ang iba’t ibang kultura ng mga bansang napuntahan na niya ang nagiging inspirasyon ng kanyang mga designs.

Ang pangatlong Pinoy designer ay si Jesy Cruz, isang partially color blind na interior decorator.

Hindi naging hadlang ang kapansanan na ito ni Jesy para maging mahusay siya sa kanyang trabaho.

Sa katunayan, na-feature na sa ilang interior design magazines ang mga nagawa na niyang residential at commercial spaces.

RECOGNITION FOR PINOY TALENT. Malaki ang bilib ni Armi Malaluan, director and Business Head of Sony Television Networks sa talento ng Pinoy kahit saang larangan.

Pagmamalaki niya, “Filipinos are renowned for their exceptional talent and tend to do really well in reality series where their creativity and survival skills are put to the test under high pressure situations.

The Amazing Race Asia and Asia’s Got Talent on AXN are two wonderful examples of Filipinos making the country proud.

“Now with The Apartment: Passion for Design on Sony Channel, the Philippines will show that the country can also excel in interior design.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2013, dalawang Pinoy ang nanalo sa third season ng The Apartment.

Ito ay ang Cebu-based interior designer-best friends na sina Deankie Latonio at Tiara Sison.

JUDGES. This season ay may dalawang bagong judges ang The Apartment.

Ito ay ang Filipino interior designer and media personality na si Cat Arambulo at si Tyler Wisler, na kinikilala bilang isa sa most influential and dynamic designers mula sa New York.

Ang principal judge ng The Apartment: Passion for Design ay ang international design superstar na si Laurence Llewelyn-Bowen, samantalang ang host and mentor nito ay ang award-winning designer at author na si Jamie Durie.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN