Derek Ramsay's drug war series Amo and Birdshot get picked up by streaming service

IMAGE Courtesy: Brillante Mendoza on Facebook

"Timely ang kuwento," ang paglalarawan ni Direk Brillante Mendoza (left) sa Amo, ang series ng TV5 na kanyang pinamahalaan na kinuha ng Netflix upang ipalabas worldwide simula April 9, 2018. Si Derek Ramsay (right) ang bida sa series na tumatalakay sa drug war.



“Timely ang kuwento.”

Ito ang pagmamalaki ni Direk Brillante Mendoza sa Amo, sa kanyang TV5 series tungkol sa Philippine drug war.

Pinagbibidahan ito ng baguhang si Vince Rillon at Derek Ramsay.




Kasama rin sa pelikula sina Allen Dizon at Felix Roco. 

Ang Amo ay isang 12-episode series na mapapanood na worldwide simula April 9, 2018 sa pamamagitan ng Netflix.

Ang nasabing teleserye din ang ang kanuna-unahang Filipino show na mapapanood sa nasabing streaming site.

Dagdag pa ni Direk Brillante sa pakikipag-usap nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook messaging noong March 21, “Hindi typical Filipo action teleserye ang Amo.

“Focus siya sa content at truthful ang execution.”

Ikinagalak naman ito ng aktor na si Derek.

Sabi niya sa kanyang post sa Instagram, “Can't wait for #AMO directed by @brillante_mendoza to come out on Netflix this April 9.”


BIRDSHOT. Bukod sa Amo, isang Filipino-produced movie rin ang magiging available worldwide sa tulong ng Netflix.

Directed by Mikhail Red, ang Birdshot ay magiging available sa naturang platform internationally simula March 26, 2018.

Sa Birdshot, ginampanan ni Mary Joy Apostol ang isang farm girl na napunta sa isang forest reserve at mababaril ang endangered Philippine Eagle. Hahanapin siya ng dalawang pulis (played by Arnold Reyes at John Arcilla) ngunit pagtatakpan siya ng kanyang ama (played by Ku Aquino). 

Ang pelikula na ito ay ang Philippine submission sa Best Foreign Language Film category ng 2018 Academy Awards.
 
Nanalo ang Birdshot bilang Best Picture sa Asian Future Competition category ng 2016 Tokyo International Film Festival. Nanalo rin ito ng CJ Entertainment Award sa Asian Project Market ng 2015 Busan International Film Festival. 
 



 




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN