Ruru Madrid conquers fear of dogs on the set of Sherlock Jr.

IMAGE Arniel Serato

Nagpasalamat ang cast ng Sherlock Jr. sa mga loyal na viewers ng show dahil daw sa mataas nilang ratings. 



Masayang-masaya ang mga bida ng prime-time series na Sherlock Jr. dahil sa magandang ratings ng show at suporta ng mga manonood.

Kaya naman, dumayo pa sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Andre Paras, at Kate Valdez sa Davao upang  personal na makapagpasalamat sa mga Dabawenyo sa suportang ipinakita nila sa teleserye ng GMA-7.

Dumating ang apat sa Davao noong March 17 sa pagdiriwang ng 81st Araw ng Dabaw kung saan hatid ng GMA Regional TV ang isang meet and greet para sa fans ng Sherlock Jr.

Bago pa man ang mall show, nagpaunlak muna ng panayam ang apat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at local media.

Dito, ikinuwento nila na sobrang masaya daw sila kapag taping na ng serye.

Sabi ni Ruru, “Masaya, masaya.”

Dagdag naman ni Gabbi, “Sobrang happy sa set . Sarap mag-taping.”

Dahil daw sa show, nabawasan ang takot ni Ruru sa aso. Sa show, meron silang alagang aso, si Serena, na tutulong sa kanilang imbestigasyon sa ilang mahahalagang plots and twists ng show. 

Kuwento pa niya, “Siyempre dati hindi ako humahawak ng aso. Dati meron akong alaga, nakagat kasi ako nung bata so ayun, natakot."

Gabbi, “Ang saya basta happy ako. Nag-enjoy ako [kay Serena].”

Sabi naman ni Kate, “First of all, lovable sila kaysa sa cats. I hate cats, sorry. It's like kahit ano ng dog, basta 'pag dog anything parang ang sweet lang. Playful. Cuteness overload."

Dugtong naman ni Andre, "Sa akin, ang dog clingy. Kapag naturuan mo, na inaaalagan mo siya, magki-cling siya sa sa 'yo, susundan ka.

"So, feeling ko may security ako with the dog. Kaya, I really love dogs.”

Marami pa daw aabangan sa show ayon pa kina Ruru, Gabbi, Andres, at Kate.

Samantala, napuno naman ang activity center ng Abreeza Mall Davao kinahapunan sa pagdating ng apat.

Hinandugan nila ng awit ang mga taga-Davao, at nakikipagselfie pa sila sa mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN