Kapuso hunk Bruno Gabriel downplays beefcake image: "Hindi po ako laging nakahubad."

Kapuso hunk Bruno Gabriel downplays his sexy stud image: "I only show my half-naked body para sa pag-endorse ko ng Bench Body. Hindi po ako laging nakahubad. Magkakasakit naman po ako niyan!"


Ikatlong teleserye pa lang ng Kapuso hunk na si Bruno Gabriel ang morning serye ng GMA-7 na Ang Forever Ko’y Ikaw.

Unang ipinakilala si Bruno sa teleserye na Hahamakin Ang Lahat kunsaan naka-love triangle niya ang tambalan nila Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Sumunod naman ay ang weekly millennial series na G.R.I.N.D. (Get Ready It’s a New Day) kunsaan una niyang naka-partner ang StarStruck 6 First Princess na si Ayra Mariano na muling katambal niya sa Ang Forever Ko’y Ikaw.

WORKING WITH AYRA. Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bruno sa media launch ng Ang Forever Ko’y Ikaw sa GMA Network Center kamakailan, hindi na raw nila kailangan ni Ayra na mag-adjust pa sa isa’t isa dahil maganda na raw ang working relationship nila.

“It’s always a joy to work with Ayra.

“She is one of those stars who became my first friends in the network because of workshops na pinagsamahan namin dito sa GMA-7.

“I knew her already before we started working together.

“Masarap siyang katrabaho kaya siguro nag-click kaming dalawa,” pagmamalaki niya.

Sa umpisa raw ng Ang Forever Ko’y Ikaw, hindi magkasundo ang characters nila na sina Benjie at Marione, pero unti-unting makikita nila ang magandang traits ng bawa’t isa hanggang sa magkagustuhan na sila.

“Nakakatawa nga po kasi, sa start ng series we absolutely hate each other.

“In the first two to three weeks, we always fight.

“Since we attend the same school, we’ll get to bump into each other.

“We’re gonna be in each other’s lives.

“Paunti-unti, magwa-warm up kami sa isa’t isa, not knowing na yung parents namin, sina Ms. Camille Prats and Sir Neil Ryan Sese, ay magka-chat mates pala,” masayang kuwento niya.

HEARTWARMING STORY. Isa pa sa nagustuhan ni Bruno sa kuwento ng Ang Forever Ko’y Ikaw ay ang pagsentro sa relasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The series also shows us yung parent-child relationship na nangyayari ngayon.

“They say na iba ang pagpapalaki ng mga parents sa kids nila, 20 years ago.

“Iba na kasi ngayon. Mas vocal na ang mga bata ngayon.

“Sa character ko as Benjie, only son ako ni Sir Neil who is a single parent kasi naghiwalay sila ng mother ko.

“Kaya as a product of a broken home, medyo rebelde ako and my dad can’t understand why I’m a troublemaker sa school.

“He tries to reach out sa akin, pero ako yung naglalagay ng wall between us.

“Parang hindi ko siya mapatawad. Siya yung sinisisi ko why my mother left our home.

“Si Ayra naman dito, widow yung mom niyang si Ms. Camille and she’s having a hard time making ends meet.

“'Tapos, yung mother-in-law pa niya na si Tita Odette [Khan], meddles with how she takes care of her family.

“Pero it’s all shown in a very light and funny way.

“Pang-good vibes ang show namin and we hope that it touches a lot of lives, lalo na ang mga single parents out there,” diin ni Bruno.

FLAIR FOR COMEDY. Inamin ni Bruno na mas kumportable siya doing a rom-com kesa sa mag-heavy drama siya.

Lahad niya, “I actually love comedy.

“I remember when I was little, I once told my mom [former ‘80s actress Lani Lobangco] that if I’m gonna be an actor, I wanna be in a comedy.

“I love rom-com, which is one of my favorite genres.

“I think rom-com is a very realistic genre. It deals with everyday things.

“It is very relatable and sometimes you have that inner monologue, especially in kilig moments, na ikaw lang ang nakakaisip pero it happens in a rom-com.

“So it's very realistic.

“As human beings, we experience fear, we experience love, we experience kilig, we experience sorrow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sometimes, we have to connect to the audience who never sees those things.

“The serendipity part here is you can still love even if you’re brokenhearted or you’re not on good terms with that person.

“You just give yourself time to get to know them, mapapamahal ka talaga.”

MODELING CAREER. Kung wholesome ang image ni Bruno sa TV, iba naman daw siya sa kanyang pagiging male celebrity endorser ng Bench Body.

Noong nakaraang 30th anniversary show ng Bench last November 2017 na Under The Stars, isa si Bruno sa mga rumampa na suot ang latest collection ng Bench Body underwear.

Isa siya sa pinalakpakan nang malakas dahil sa lakas ng appeal niya at sa ganda ng katawan niya.

Ayon kay Bruno, trabaho lang daw niya ang maging endorser at hiwalay naman daw iyon sa paglabas niya sa TV.

“If you can have both, why not?

“In this business, kung ano po ang sa tingin mo na mas makakatulong sa career mo, walang masamang subukan ito, di ba?

“I love acting, iba po ang dala no’n sa akin.

“But being an underwear model for a well-known brand is something else.

“On TV naman po, nakadamit ako. I dress appropriately.

“I only show my half-naked body para sa pag-endorse ko ng Bench Body.

“Hindi po ako laging nakahubad.

“Magkakasakit naman po ako niyan!” malakas na tawa pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN