Rhian Ramos describes her past love scene with ABS-CBN actor as "daring"

Rhian Ramos (in photo) will not do slapping scene with Lovi Poe: "Ayoko, ayokong ma-experience."


Apat na taon na sa showbiz si Rhian Ramos nang na-realize niya na gusto talaga niyang umarte.

Lahad ng GMA-7 actress, “Nauna yung showbiz, later on ko na-realize yun, yung naintindihan ko kung what is acting.

"Craft siya, it’s not just playing pretend, you really have to feel it in your heart, you have to feel it’s real.

“Hindi siya basta trabaho kasi yung mga characters that you play, kailangan maka-relate ka talaga, e.

“Kasi kung hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng character na ito para sa ibang tao…

“Minsan kasi nakikita ng ibang tao yung sarili nila sa character mo so kailangang ayusin mo yung pagka-portray.

“For example, I’m not just Zoe, I’m every Zoe out there!

“Parang ganun,” pagtukoy pa ni Rhian sa character niya sa The One That Got Away ng Kapuso Network.

REALISTIC SCENES. Dahil sa pananaw niya sa acting ay mas gusto raw ni Rhian na totohanan kaysa may daya.

Sabi niya, “Ako, I would rather na totoo kasi yung sa experience ko sa past, pag ganun, ang hirap ramdaman muna.

“Or i-imagine muna yung sakit, yung insulto, yung ganun.

“Na i-imagine-in mo muna para pag ganun [sampal] mo, naka-reaction shot ka na; walang effort ka nang umarte.

“I find it easy na parang tinulungan pa ako ng scene partner ko pag tinototoo niya.”

Wala pa naman raw siyang sampalan na eksena sa The One That Got Away. “Wala pa, chill lang kami dito.”

Kung si Rhian ang papipipliin, sino'ng artista ang nais niyang makaeksena at manampal sa kanya?

“In my personal experience, sino ba? Si Jean Garcia.”

Nasampal na raw siya ni Jean in the past sa Stairway to Heaven at sa Ilumina ng GMA-7.

“Nakarami na ako,” at tumawa si Rhian.

Sino naman ang gusto ni Rhian na sampalin sa isang eksena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang alam ko lang hindi, si Lovi,” at tumawa si Rhian, “kasi nakita ko na yung eksena nila sa The Significant Other.

Matindi nga ang eksenang sampalan nina Lovi Poe at Erich Gonzales sa pelikula.

“Ayoko, ayokong ma-experience,” ani Rhian.

“Payat si Lovi pero muscle-muscle 'yan,” pagtukoy pa ni Rhian sa co-star niya sa The One That Got Away.

Handa na ba si Rhian sa mga daring love scenes sa harap ng kamera?

“Yung love scene ko sa Silong with Piolo, feeling ko daring yun!”

Ang Silong ay indie film na ginawa nina Rhian at Piolo Pascual noong 2015.



Stories We Are Tracking

<p><strong><em>SILONG</em> REVIEW: </strong

SILONG REVIEW:

<p>Piolo Pascual has partial butt exposure in indie film <em&

Piolo Pascual has partial butt exposure in indie film

Piolo Pascual & Rhian Ramos to be paired in thriller Silong
Piolo Pascual & Rhian Ramos to be paired in thriller Silong





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN