Katrina Halili on being a trusted kontrabida in GMA-7: "Nakakayaman, e!"

Katrina Halili says she begs off kontrabida roles when it's not for a soap opera. "Kaya ko rin naman ng iba. E, ito ang ibinibigay, happy rin naman ako. Basta yun lang, kapag guesting, ayoko talagang tumanggap na, 'Ganito pa rin?'"


Tanggap na ni Katrina Halili na mayroong mga manonood na talagang pine-personal ang karakter na ginagampanan niya.

Tulad nga ngayon sa GMA Afternoon Prime teleserye nilang The Stepdaughters, totoong nakakatanggap daw siya ng mga hate messages dahil sa pagiging kontrabida ng karakter niya.

Pero sa kabila nito, nakikita niyang marami ring benepisyo ang pagiging kilala niya bilang kontrabida sa Kapuso network.

“Nakakayaman, e! Charot,” natawang sagot niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang.

Sabi pa niya, “Nakakatagal ng buhay.

“Pero hindi, yun ang may work, e.

Yun ang ibinibigay sa akin at para sa akin, yung pagiging kontrabida, nae-enjoy ko na.

“Kapag bida, wala kang ginawa kung hindi ang umiyak.”

Kung sa mga teleserye raw niya ay kontrabida na siya, gusto naman daw niya na kung may mga guesting siya tulad sa Magpakailanman, ay hindi na kontrabida ang karakter niya.

Aniya, “Huwag namang kontrabida sana.  

“Ayoko ng kontrabida pa rin, ayokong tumanggap.

“Outside soap-opera, ayoko ng same character pa rin.”

Sa isang banda, hindi naman itinanggi ni Katrina na pinapangarap pa rin niya ang makagawa ng proyekto na siya naman ang bida.

Nagawa na niya ito dati bago pa man siya malinya sa mga kontrabida roles.

Ayon sa Kapuso actress, “Ay siyempre, wish ko rin naman yun.  

“Wish ko rin na maipakita ang other side kasi, hindi lang din naman ito ang kaya kong gawin.

“Kaya ko rin naman ng iba. E, ito ang ibinibigay, happy rin naman ako.

“Basta yun lang, kapag guesting, ayoko talagang tumanggap na, 'Ganito pa rin?'” 

Kahit daw sa mga pelikula tulad ng indie films, kung kontrabida rin ang gagampanan niyang karakter, tinatanggihan na raw niya.

Katwiran ni Katrina, “Siyempre, gusto ko naman yung makaka-inspire ako ng tao.”

Dugtong pa niya, “Kapag yumaman ako, magpu-produce ako!”

Hindi raw napapanood ng anak niya na si Katie ang mga teleserye niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam daw ng anak niya kapag may lumalabas na warning sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na Rated SPG o Strong Parental Guidance.

“Hindi, hindi [siya nanonood].

“Takot siya sa SPG na nakasulat.

“Parang noong nanood siya ng isang beses, parang may nagsisisigaw or naggu-gulpihan.

“E, may red [logo sa TV]. So parang nasa isip niya kapag may red, takot siya.”

Eksena raw niya ang napanood ni Katie na tila sinusunog siya.

“So kapag nakita niya yung SPG, pinapatay na niya.”

Nagpapasalamat daw siya sa GMA-7 dahil nang isipin daw niya, simula nang mag-StarStruck siya, hindi naman siya halos binakante ng network pagdating sa trabaho.

“Thankful ako sa GMA na hindi nga ako nababakante. Kung mababakante ko, siguro pinaka-matagal ang five, six months. Pero madalas ang pahinga ko lang one to two months.”

“Nag-check nga ako ng Wikipedia nung nakaraan, simula StarStruck, taon-taon.

“Despite pa sa nangyari sa akin before ha.

“Kaya sabi ko, grabe, hindi pala ko nawala, taon-taon akong nandito.”

Hirit pa ni Katrina na pinaninindigang ilang taon na siyang single, “Kaya nga work lang nang work.

“‘Yang mga lalaking ‘yan, makaka-aksaya lang ‘yan sa oras ko.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN