Regine Velasquez serves as stylist to husband Ogie Alcasid

IMAGE Noel Orsal / @ogiealcasid on Instagram

Aliw na aliw daw si Regine Velasquez sa karakter ng mister na si Ogie Alcasid sa ABS-CBN comedy show nitong Home Sweetie Home. Kaya naman daw nag-volunteer na siyang maging stylist nito. 



Sa muling pagsabak ng mister na si Ogie Alcasid sa komedya, malaki ang naging parte ng asawang si Regine Velasquez dito.

Si Regine daw kasi ang tumatayong stylist ni Ogie sa mga susuotin nito sa Home Sweetie Home ng ABS-CBN pati na sa mga gagamitin niyang branded bags.


Kuwento pa ng Asia’s Songbird, “Oo. Actually, yung production meron naman, meron naman silang clothes for him.

“But he said, ‘I like your clothes.’

“Ewan ko sa kanya. Sinitrech pa niya. Pero ako stylist niya, ako yung nagsa-style nun ha, pipiliin ko pa kung anong bag yung puwede. Pati mga bags, iiningatan naman daw niya.”


Inamin ni Ogie sa set visit ng Kapamilya show kamakailan na mahigpit na bilin ng asawa na ingatan daw niya ang kanyang mga branded bags.

At ginawa naman daw ito ng singer-songwriter.


Lagi daw natatawa si Regine kapag naalala niya ang mga sinuot ng asawa at noong mga panahong suot din daw niya ito.

Kaya naman, minsan ay nag-post siya sa kanyang Instagram ng ‘Who wore it better.’

“Pero, tawang-tawa lang ako sa idea na parehong damit yung sinusuot namin. Meron nga akong, ‘Who wore it better.’

“At siya naman lagi nanalo. Minsan ako pero kalimitan siya.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa media conference ng concert nilang 3 Stars, 1 Heart noong April 5.

Gaganapin ang Dagupan leg nila sa darating na April 14 kasama si Christian Bautista at Julie Anne San Jose.


Stories We Are Tracking

Here's why Ogie borrows Regine's Hermes, Chanel bags
Here's why Ogie borrows Regine's Hermes, Chanel bags





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN