Ryan Bang turns down variety show offer in Korea; reveals, "Malaking offer sa akin ng SBS"

IMAGE Noel Orsal

"Malaking offer sa akin ng SBS," said Ryan Bang about the variety show offer he received from the Seoul Broadcasting System, a national TV station of South Korea. 



Ayon kay Ryan Bang, hindi niya kayang iwan ang Pilipinas para sa malaking offer na career sa South Korea.

Natanong si Ryan sa media launch ng movie na DOTGA: Da One That Ghost Away kung ano ang pakiramdam niya ngayon na leading man na siya ni Kim Chiu sa isang pelikula.

“Overwhelmed po talaga!" ang bulalas ni Ryan sa press conference na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound.

"Hindi ko akalain na ganito ang mangyari sa buhay ko. Kasi yung malaking offer sa akin ng SBS sa Korea na isang variety show, hindi ko tinanggap, nagsisi ako ng kaunti. Sayang, dapat kinuha ko pala.

"Pero ngayon, hindi na ako nagsisi dahil ito na nagkaroon ako ng pelikula at leading man pa ni Kim Chiu kaya sobrang masaya po ako.

"May offer naman sa akin pero hindi ko nga tinatanggap ang regular show, na regular host. Ano lang, guest-guest lang po ako sa Korea.”

Pinasalamatan rin ni Ryan si Empoy Marquez dahil sa tingin niya ay naging daan ito upang mapansin ang mga komedyante upang maging bida sa mga pelikula.

Kuwento ni Ryan, “Nag-umpisa akong sidekick ni Papa P [Piolo Pascual] tapos sidekick ako ni Coco Martin tapos ngayon si idol Robin [Padilla]. Hindi ko akalain ako yung magiging leading man.

"Siguro katulad din nung nangyari kay Empoy, dahil sa kanya, may chance din ako."

Si Empoy ang leading man ni Alessandra de Rossi sa Kita Kita. Ang romance film na ito ay kumita ng higit P300 million sa box office at tinuturing na ito bilang highest grossing indie film.

After eight years sa showbiz industry, inamin rin ni Ryan na gusto niyang maging producer balang araw.

"Nag-iipon-ipon pa ako para ako ang mag-produce para maging bida. Pero ngayon natupad. Maraming salamat sa Star Cinema. Binigay ko po dito sa movie ang 150%,” sabi ng 2nd Big Placer sa Pinoy Big Brother Teen Clash 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Maymay Entrata, Edward Barber, Enzo Pineda, Moi Bien, Chokoleit, Lassy, Pepe Herrera, and Odette Khan ang kasama nina Kim at Ryan sa Star Cinema movie na ito.

Directed by Tony Reyes, ang DOTGA: Da One That Ghost Away ay mapapanood sa mga sinehan simula April 18, 2018.

Pagkatapos ng media launch ay ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan tungkol sa show na na-turn down niya sa Korea.

Bakit mo tinanggihan yung offer mo sa Korea na hosting job?

Ryan: “Nung time na yun kasi bata pa ako nung time na yun. Saka mahal ko talaga yung It’s Showtime. Kapag tinanggap ko kasi yun, kailangan umalis ako ng Pilipinas at doon na ako habambuhay kasi regular ako dun.”

Ano ang pangalan ng show?

Ryan: “Hindi ko puwedeng sabihin! Bawal kong sabihin, baka kasi i-offer uli. Bawal ko daw kasing sabihin hangga’t hindi pa ako natutuloy!”

Yung show ba na iyon ang palabas kunsaan naging guest si Manny Pacquiao?

Ryan: “Tapos na yun, nag guest na kami ni Manny Pacquiao, ibang channel yun, NBC yun.”

Ang Pinoy boxing champ na si Manny ay nakipag-sparring sa cast members ng Korean TV show na Infinite Challenge noong December 2017.

Kung sakaling bang i-offer uli sa iyo yung trabaho sa Korea ay tatanggapin mo dahil mas mature ka na ngayon?

Ryan: “Ay hindi! Ang tinatanggap ko ngayon ay yung guesting-guesting lang. Pero yung may kontrata na kailangan kong iwan ang Pilipinas, ay hindi ko kaya!

"Pero kung halimbawang baguhin nila, tulad ng once a week na puwede akong mag-taping dun, siguro puwede na. Kaya nagdi-deal pa kami, nag-uusap pa kami doon sa Korea. Dahil kay Senator Manny Pacquiao ay talagang naging mainit yung pangalan ko sa Korea, dumami na yung offer.”

Hindi ka ba nagisisi na hindi mo tinanggap yung offer sa Korea?

Ryan: “Hindi naman talaga! Kasi kung tinanggap ko 'yan, siguro wala akong Da One That Ghost Away na movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin ba nito na hindi mo talaga ipagpapalit ang career mo dito sa Pilipinas sa mga offer doon sa Korea?

Ryan: “Hindi talaga! Hindi ko kaya, kasi dito ako nag-umpisa, kasi kung walang Philippines, walang Ryan Bang.

"Malaki utang na loob ko sa Pilipinas, saka gusto ko rin someday na bumawi sa mga Filipino na nagmamahal sa akin, kahit noong wala pa ako, mahal na nila ako. Mas gusto kong mapasaya ng mga Filipino.

"Pero in other side, gusto kong i-promote ang Philippines at umabot tayo sa Korea. Kasi pag lumabas ka sa Korea ay kilala ka sa buong Asia at sa buong mundo, iba rin kasi talaga yung TV ng Korea pagdating sa showbiz kaya gusto ko i-promote ang Philippines sa Korea. So, puwedeng guest-guest lang, pero puwede ko rin namang i-promote ang Philippines sa Korea sa mga guest-guest ko lang.”




Stories We Are Tracking

Enzo Pineda, MayWard to join Kim Chiu-Ryan Bang movie
Enzo Pineda, MayWard to join Kim Chiu-Ryan Bang movie
Kita Kita grosses P300 million; now highest grossing indie
Kita Kita grosses P300 million; now highest grossing indie
Manny Pacquiao to appear in Korean TV show
Manny Pacquiao to appear in Korean TV show
What Manny Pacquiao did in Korean show episode
What Manny Pacquiao did in Korean show episode


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN