Edward Barber: "I could say na protective ako kay Maymay."

IMAGE Noel Orsal

Pinoy Big Brother Lucky Season 7's fourth Lucky Big Placer Edward Barber (right, shown with Maymay Entrata) shares advice to aspiring PBB contestants: "Ang advice ko sa aspiring housemate, magpakatotoo lang kayo. Kasi, sa Bahay ni Kuya, sa sobrang pressure, sa sobrang stress, if you're pretending to be someone else, lalabas yung totoong sarili mo. Magpakatotoo!"



May payo si Edward Barber sa mga aspiring housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) ngayong balitang malapit na itong muling magbukas.

Pareho silang nanggaling ng ka-loveteam niyang si Maymay Entrata sa naturang reality show.

Si Maymay ang itinanghal bilang Lucky Big Winner sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 noong 2017, at si Edward naman ang hinirang na fourth Lucky Big Placer.

Payo ni Edward, “Ang advice ko sa aspiring housemate, magpakatotoo lang kayo.

“Kasi, sa Bahay ni Kuya, sa sobrang pressure, sa sobrang stress, if you’re pretending to be someone else, lalabas yung totoong sarili mo.

“For example, you want to be transparent.

“So kayo, kung sino kayo, don’t be shy. Be proud of who you are.

“If you pretend to be someone else, maybe we won’t see something in you. Magpakatotoo!” lahad ni Edward sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 9501 Restaurant sa kanilang April 12 presscon. Ito ay para sa DOTGA (Da One That Ghost Away), ang horror/comedy na pelikula nila ni Maymay sa Star Cinema na ipalalabas na sa April 18.

Hindi ba niya nakikitang nagbago si Maymay ngayong matagal na silang nasa labas ng Bahay ni Kuya?

Paninigurado niya, “Wala naman, promise!

“Si Maymay, baliw pa rin, mabait pa rin.”

Dugtong pa niya, “Nakakahawa yung kabaliwan niya.

“Kung low batt ka and you’re low in energy, gusto mo nang umuwi.”

Si Maymay raw ang parang powerbank niya.

Kaya kung si Maymay raw ang malo-low batt, sabi niya, “Naku, patay tayo run! Pero never siyang naglu-low batt.”

NO PRESSURE TO COURT MAYMAY. Kahit na maraming may gusto na magkatuluyan sila, hindi raw napi-pressure si Edward na dapat ay ligawan na niya si Maymay.

“We’re very secure about us.

“For example, they [MayWard fans] see us, sinasabi nila, 'Edward, don’t push yourself. Don’t be stressed. Don’t think too quickly. May oras pa kayo,' parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They understand,” saad niya.

PROTECTIVE. Dahil malapit sila sa isa’t isa, naitanong namin kay Edward kung nakakaramdam din siya ng selos kapag nakikita niyang may ibang lalaking nagiging close rin sa ka-loveteam.

Ayon kay Edward, “People might misunderstand my actions sometimes.

“I could say na protective ako kay Maymay.

“But it’s because alam ko you’ll never know who’s who at kung totoo yung ugali.

“So sometimes, you cannot generalize, but we always have to be careful, lalo na sa simula.

“Siyempre, we know each other better. We know ourselves kaya palagi rin kaming cautious.”

CONTENT. Sa ngayon, “best friend” at “partners-in-crime” ang pinili ni Edward na description sa pagkakaibigan nila ni Maymay.

Pero posible kayang balang araw ay ligawan na niya ito?

“Sa totoo lang po, ayokong isipin.

“Kasi, like why would I? You should be contented with whatever you have.

“I’m contented with what I have. I don’t wanna rush things, I don’t want to think about that.

“I always try to live at the moment. Kung ano ang totoo,” paninigurado niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN