Andre Paras happy to display his comedic and serious sides in two Kapuso shows

Andre Paras discovers new characters to portray in Sunday PinaSaya and turns serious for role in Sherlock Jr.



Ipinakumpara namin kay Andre Paras ang ginagawa niya sa GMA-7 musical variety show na Sunday PinaSaya at sa drama series na Sherlock Jr.

Game namang sumagot ang binata.

“Yung Sunday PinaSaya parang I think about it as parang I get to look at new characters to enjoy,” paliwanag ni Andre.

“Kumbaga I get to discover new characters and parang bring out the comedy side naman.

“Kumbaga let loose.

“And since twelve till three lang siya I still have the Sunday off.

“It’s more of my happy time when it comes to comedy.

“As much as I love comedy…dun sa Sunday PinaSaya ko nare-release yung pagkakulit, yung pagiging adventurous, happy-go-lucky.”

Patuloy niya, “Dito naman sa Sherlock Jr. it’s like my serious side at the same time yung pagiging best friend.

“Then in a way, di ba, yung mga detective at mga pulis, seryoso sila, yung hindi naman sila nakakatawa pag on-duty.

“Kaya I get to explore another character in this show, nati-tame ko yung sarili ko.

“Kasi usually out-of-norm ako, makulit lang.

“At least dito, parang calm yung character ko dito.”

Nakapanayam namin Si Andre sa taping ng Sherlock Jr. sa Fairview, Quezon City.

Gumaganap sa Sherlock Jr. si Andre bilang si SPO2 Elpidio "Pido" Lumabao III na best friend ni Sherlock "Jack" Jackson Jr. na ginagampanan naman ni Ruru Madrid.

Kinumusta namin kay Andre kung gaano na sila ka-close ni Ruru.

“Very close po kami,” sagot niya.

“Kasi I started working with him for the first time in The Half Sisters nung nagge-guest pa siya.

“And then pagkatapos po nun sa Encantadia, naging Ybarro po siya, ako naging si Wahid, naging parang best friend niya dun.”

Pangalawang beses na nila ni Ruru na gumanap na mag-best friend sa Sherlock Jr.

“And it’s really amazing kasi not just as a friend but as someone who admires his craft, his work, I get to see his work as a person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung example ko dito, nung una takot na takot si Ruru sa aso.

“As in sobrang takot siya sa aso.

“Nung nakita ko si Ruru, ‘May tao palang natatakot sa aso nang ganito!’

“As in si Ruru hindi siya makalapit!

“As in nung mga unang eksena kailangan pang dayain yung shots.”

Sa kuwento ng Sherlock Jr. ay malapit sa isa’t isa sina Jack at Siri, ang wonder dog ng GMA na ginagampanan ng asong si Serena.

“Pero ngayon nahahawakan na niya,” kuwento ni Andre.

“Ngayon as in sinasabi ni Ruru he wants to have a dog, sana si Siri sa bahay na lang daw niya.

“Sobrang naging best friends na sila ni Siri!

“Kaya what I like about yung closeness namin ni Ruru, nao-observe ko po yung mga changes sa kanya.

“Not just as a person but as actor na rin.”

Magkasama rin sina Andre at Ruru sa Sunday PinaSaya.

At kahit sa gimikan ay nagkakasama sila.

“Opo, pag walang trabaho we get to go out na rin.”

Sino ang mas habulin ng chicks kapag nasa labas sila at gumigimik?

“I think… hindi namin napapansin kasi pag lumalabas naman po kami, it’s always bro time or with friends talaga.

“Hindi naman kami nagpapatapon ng buhay,” sabay tawa ni Andre.

“We’re young, we’re just having fun, it’s normal, there’s nothing wrong pero you know, all we do is enjoy, enjoy our youth.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN