Sue Ramirez proud of platonic relationship with love team partner Arjo Atayde

IMAGE Screengrab from Hanggang Saan / Noel Orsal

Sue Ramirez insists that there's nothing more to her platonic relationship with her Hanggang Saan love team partner Arjo Atayde: "Kaming dalawa, kahit buong gabi kami mag-usap ni Arjo, kaya naming mag-usap dalawa. Wala talaga. Respeto yun."


Umagaw ng atensyon ang Instagram post ni Sue Ramirez kunsaan naka-two piece bathing suit siya habang nasa beach noong nakaraang Semana Santa, at dahil doon ay inakala ng marami na simula na ito ng pagpapaseksi ni Sue.

May ilan din ang nagkomento na bagay din daw sa aktres ang maging cover sa FHM Philippines na ginawa na rin naman ng ilang wholesome actresses bago sila sumubok sa ilang daring and matured roles.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres sa nakaraang finale presscon ng Hanggang Saan na ginanap sa 9501 restuarant sa ABS-CBN noong nakaraang April 17, nagbigay pahayag naman si Sue na hindi siya nagsasarado ng anumang pinto, pero sa ngayon ay malabo daw siyang mag-pose sa naturang men's magazine gaya ng inakala ng iba.

Paglinaw niya, “Wala naman akong shina-shut down na doors pero sa ngayon wala akong plano na magganun.

“Imaging kasi yun. It’s not how other people see you, it’s how you see yourself.

“I don’t see myself as sexy. It’s normal lang to be on a beach in a swimsuit and it’s not a big deal.

“Nag-beach ako nun, yun naman ang suot ko sa beach, so okay lang naman na i-post ko siya.

“Offer? Wala naman, di ko alam. It’s not on me actually, it’s the imaging na binubuo nila for me.”

READY FOR DARING ROLES? Sa tanong naman namin kung handa ba siya na gumanap na sa mga daring at mature roles, open naman daw dito ang Hanggang Saan actress.

Lahad niya, “Of course naman, itong teleserye na ito, naka-two piece din naman ako.

“Nag-surf nga ako na nag-bra top lang ako 'tapos shorts.

“Ako, wala akong malisyang tao. I don’t sexualize my body. It’s a normal thing.

“Nakikita mo naman ang katawan mo araw-araw na naliligo ka, so bakit ka maiilang, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RESPECT FOR LOVE TEAM PARTNER. Dahil sa seryeng Hanggang Saan ay nabuo ang tambalan ni Sue at ng ka-love team niyang si Arjo Atayde.

Nang tanungin namin kung may na-develop ba sa pagitan nila ni Arjo, nilinaw naman agad ni Sue na may respeto siya sa respective partners nila kaya malabo raw na mangyari ito.

Sabi niya, “Sobrang okay kami ni Arjo, pareho kaming tsismosa, never kaming nauubusan ng pinag-uusapan na mahirap hanapin sa isang tao.

“Actually, maglagay ka ng dalawang tao sa isang kuwarto, di ka sure kung marami kayong pag-uusapan.

“Kaming dalawa, kahit buong gabi kami mag-usap ni Arjo, kaya naming mag-usap dalawa.

“Wala talaga. Respeto yun.

“Of course, Arjo has a girlfriend, nakasama ko na rin si Sam [Sammie Rimando] and wala talaga.

“It’s more of a friendship. Mas binuild namin yung friendship more than anything else para mas maayos kaming makapagtrabaho together.”

LOVE LIFE. Di rin naman tinatago ni Sue ang espesyal na relasyon nila ng BoybandPH member na si Joao Constancia.

Ayon kay Sue, consistent naman kung ang magandang samahan nila ng rumored boyfriend.

Saad niya, “Okay naman. Nanonood kami ng sine, ganun pa rin naman.

“Kung paano kami nung huli kayong nagtanong, ganun pa rin. Consistent naman.

“Aaminin? Wala naman, di kami nagmamadali talaga kasi tutok ako sa career ko and siya din may suprise siya sa inyo, coming soon. Abangan ninyo.

“Basta happy kami sa isa’t isa at nirerespeto namin ang trabaho na kailangan naming gawin.”

HANGGANG SAAN ENDING. Sa nalalapit na pagtatapos ng Hanggang Saan sa ere, masayang-malungkot si Sue at aminado ang aktres na malaki ang naitulong ng serye sa career niya bilang isang aktres.

Aniya, “Happy ako sa naabot ng show, kung gaano kami katagal naere.

“Happy ako na nakilala ko silang lahat, pero over all nalulungkot ako dahil mami-miss ko sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging leading lady ako ni Arjo Atayde, malaking bagay yun.

“Dito ko na-express yung pag-arte ko talaga na walang inhibitions.

“Hinayaan kami ng production na buuin namin ang characters namin on our own.

“May mga tulong sila on the side, pero more than anything, talagang hinayaan nila ako na buuin si Anna, so malaking-malaking bagay talaga yun sa akin.”

SECOND FAMILY. Ayon pa sa aktres, sa cast ng Hanggang Saan siya nakatagpo ng matatawag niyang pangalawa niyang pamilya.

Pagmamalaki niya, “More than the story, more than the character, it’s the people.

“It’s Maris, it’s Yves, seeing Arjo almost everyday, it’s getting to work with Sylvia Sanchez and Ariel Rivera, and of course, Teresa Loyzaga.

“It formed a family, pag nagte-taping kasi medyo malayo ako sa family ko.

“Binigay nila yung comfort sa akin na hinahanap ko nung mga panahon na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN