Barbie Imperial on JM de Guzman: "Ngayon sobrang close kami."

IMAGE Noel Orsal

Barbie Imperial reacts to rumors indicating that the parents of Paul Salas are not in favor of her. "Hindi ako bilmoko girl," she declares.


Itinanggi ni Barbie Imperial na hindi pabor sa kanya ang mga magulang ng boyfriend niya na si Paul Salas.

“I don’t think hindi naman [sila] in favor kasi close po yung family ko at saka ni Paul. Siguro po may mga times na nagkaka-problem naman talaga. Pero yung gulo talaga, yung magulo? Hindi po. Hindi naman po,” paglilinaw ni Barbie nang makausap namin sa media conference ng Precious Hearts Romances presents Araw Gabi na magsisimula na sa ABS-CBN sa Lunes, April 30.

Close ba siya sa Mommy ni Paul?

“Super,” mabilis niyang tugon.

“Kagabi po magkakasama kami. Actually, lagi naman po, lumalabas kami.”

Hindi rin ba totoo na kaya nagagalit ang mga magulang ni Paul sa kanya ay sa kadahilanang ginagastusan siya ng anak nila?

“That is not true kasi, OMG,” reaksyon ni Barbie.

“Hindi….sa pera kasi ako, walang isyu sa akin yun, e.

“Ang Mama ko, siya mismo ang nagbibigay ng money.

“Medyo private na kasi yung ganun pero hindi totoo ‘yan. Kasi alam na nila yun na it’s not true.

“Hindi ako bilmoko girl, hindi ako ganoon. Kasi sanay ako sa hirap na kung hindi ko kailangan ang isang bagay hindi ko bibilhin.”

May mga nabigay na ba sa kanya na mga mamahaling bagay?

“Wala naman po. Saka hindi po ako yung tao na mahilig sa mga something, mga bag, ganoon, hindi po.”

Hindi naman siya nagti-take advantage kay Paul?

“Hindi po, kasi kumbaga, kung sanay ka na po, before yung life namin hindi naman ganito.

“I mean, wala pa ako doon sa mayaman talaga. Kung sanay ka naman na hindi mahirap ang life, I don’t think kakailanganin. Mas kakailanganin mo pa kumbaga, para sa pamilya mo, ganoon.”

Sa palagay niya paano iti-take ni Paul ang pagiging close niya sa kanyang leading man sa PHR presents Araw Gabi na si JM de Guzman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Supportive naman po siya. Pero dadating po talaga yun, hindi naman maiiwasan.”

Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni JM na sana maging close talaga sila?

“Uh, hindi ko naman…siguro ah, hindi ko alam sa kanya. Pero ngayon po kasi honestly, mas focused lang ako sa career," ani Barbie.

"Siyempre, matagal ko pong hinintay ‘to para sa family ko, so, pa-priority ko ang career ko saka family ko.”

Hanggang screen lang ba ang loveteam nila ni JM?

“Opo, sa ngayon,” ngiti ni Barbie.

Sa ngayon? Ibig bang sabihin pwede siyang ma-develop kay JM?

“Hindi ko po alam. Pero mabait naman po kasi si JM. Pero sa ngayon po talaga, wala, e. Work, work, work.”

Paano niya ide-describe ang friendship nila ni JM?

“Kami po ngayon sobrang close kami.”

Hindi kaya mauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Paul dahil sa closeness niya with JM?

“Well, sa hiwalayan naman, siyempre hindi ko naman po hawak kung ano po talaga ang sa amin ni Paul.

“Sa ngayon, ine-enjoy lang namin kung ano ang meron kami ngayon. Tapos bahala na po si Lord kung kami talaga, kami. May plano naman po, e.”

Hindi pa ba nagtatanong si Paul sa kanya about JM?

“Ako po as a person, seryoso ako sa buhay. Pero hindi ako nagtatanong kung ano na yung future, yung ganun. Yung seryoso po sa buhay na kumbaga, hindi pwede na parang wala, wala lang.

“Sa araw-araw kailangan nagi-improve ang isang tao, e. Hindi pwede na, ‘A, etong araw na ‘to, wala. I-enjoy ko lang,’ ganun.

“Kailangan sa isang araw merong dumadaan sa utak ko paano aasenso ang pamilya ko. Paano ako aasenso? So, yung ganun. Mas seryoso po ako.”

A few months back nagkaroon ng issue sina Daniel Padilla at si Paul at nagkahamunan pa sila sa isang basketball game. Pati sila ni Kathryn Bernardo ay nadawit din sa away ng kanilang mga boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman siya at ang Kathniel?

“Hindi po kasi ako kasali doon. I mean, siguro kung nagka-problema man sila hindi ako kasali, at hindi rin po ako isinali din ng Kathniel.”

Pero may comments ba siya sa social media bilang depensa kay Paul?

“Oo naman po,” pag-amin niya.

“Kasi kilala ko naman po si Paul personally kaya dinifend ko siya.

“Pero nakakatuwa po doon nasa La Luna [Sangre] po ako nung time na yun.

“Si DJ [Daniel], si Kath never po nila pinaramdam sa akin na may nangyaring ganoon.”

Pero meron ba talaga siyang sinabi against Kathniel sa social media?

“Wala po,” sambit niya. “Sobrang okay po kami ng Kathniel. Kasi sa set naglalaro pa kami ng game.”

Hindi naman siya na-bash ng Kathniel fans?

“Ah, na-bash po, opo. Pero ang importante po naman yung sa amin-amin nina DJ at Kath.”

Paano niya hina-handle ang mga basher niya?

“Ako naman po sa PBB [Pinoy Big Brother] pa lang po, siyempre sanay na po tayo doon.

“Dati po siguro, oo, nalulungkot ako. Umiiyak pa nga po ako, may time na ganoon. Pero ngayon po, nasanay na po ako, e. Kasi hindi po talaga ako nagba-block ng basher. As in binabasa ko po talaga para masanay ako.

“Noon po umiiyak ako, pero ngayon hindi na.

“Natatawa na lang ako kasi kumbaga, wala, nanonood lang po sila. Tapos nage-effort pa sila na mag-bash sa ‘yo. So, parang pinapansin pa rin nila ako, at least.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN